"Is there a problem Miss Fuentes?" tanong ng Prof.

"None, Sir." sagot ko, yumuko na lang ako.

Hindi ako makapaniwala bakit ang bilis?
Hindi na namin makikita si Jean? Parang wala ako sa sarili ko. Hindi pwede, gagawa ako ng paraan para pigilan siya.

Natutulala ako.

"Jillian?" si Anne.

Katatapos lang ng first subject namin.

"Babe?" napatingin ako sa labi nya sabay lunok. Oo nga pala hindi ako nagpaalam sa kanya paguwi ko kanina galing apartment niya.

"Bakit hindi ka nagpaalam bago ka umuwi?"

"Bakit miss mo ba ang yakap ko?" saka ako ngumiti sa kanya. Ayon at inirapan lang niya ako. Sunget!

Lumingon sa akin si Jo at niyaya ako saglit na lumabas ng classroom. Nagpaalam naman ako kay Anne at dito kami sa hallway nag usap.

"Jill, anong gagawin natin?"

Nagets ko agad ang ibig niyang sabihin. Kung paano namin mapipigilan si Jean. Hindi na kasi namin siya makontak. Sabi ng katulong nila na tinawagan ni Jo ay 3PM bukas ang flight niya kasama ang parents niya.

"Hindi ko pa alam. Bahala na."

Paano nga ba?

Natapos ang lahat ng klase namin, hinatid ko na rin si Anne sa apartment niya. Kahit problemado ako hindi ko makalimutan yong labi niya.

"Jillian?"

"Mmm?"bigla akong nagising mula sa pagiisip.

"Sabi ko sayo hindi mo bagay ang malungkot nagmumukha kang bakulaw."

Napangiti ako sa sinabi niya. Napansin niyang wala ako sa sarili.

"Mamimiss mo din ba ako pag di na kita kinukulit?" tanong ko.

"Hmm ewan, siguro?"

"Ganon?" alam ko nang ibig sabihin non. Tumalikod na ako at naglakad palayo.

"Hoy Jillian!"

Lumingon ulit ako sa kanya nang tawagin niya ako.

"Bakit?"

Lumapit naman siya sa akin. Nakatitig ako sa mga mata niya nang bigla niyang pitikin ang ilong ko.

"Aray!" Kinamot-kamot ko ang ilong ko.

Nagulat ako nong hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka niya hinalikan ang noo ko. Boom! Para akong nakakita ng mga magagandang fireworks. Pulang pula na ata ang mukha ko dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.

Tumalikod siya at pumasok na siya sa apartment niya. Ang tagal kong nakatayo dito sa tabi ng kalsada at hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na hinalikan niya ako sa noo. Sa pagkakataong 'to hindi ko siya pinilit na i-kiss niya ako.

Nakangiti tuloy ako pauwi ng bahay.

(She kissed me!!)

Sinulat ko sa maliit na papel, nakalagay yong date at place saka ko idinikit sa lampshade para lagi kong nakikita.

...

Kinabukasan, andito na kami sa school. Halos hindi ako umiimik at kinakabahan ako. Paano si Jean, hahayaan na lang ba namin na umalis siya? Si Jo hindi rin umiimik. Ano bang gagawin ko?

Hindi ako mapakali. Pagtingin ko ng relo ko 10:35AM na. Hindi ko na 'to kaya!

Tumayo na ako.

"Ma'am excuse po pupunta lang po ako sa clinic." sabay kuha ng bag ko at tumakbo na ako. Hindi na ko nakapag-paalam kay Anne dahil kailangan kong maabutan si Jean.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now