Yugto 38: Pagkakaayos

0 0 0
                                    

Yugto 38: Pagkakaayos

Akala kong di pa ok, kaya nagpalamig ulit ako hanggang sa after 3 days, chinat ko ulit si Rose Ann, pero dito nagkukuwento na ako. Hanggang sa dumating na ang mga "report card" namin sa school, nagkita kita kami ni Angela at Abegail pero si Rose Ann wala. Top 7 ako sa klase at nakabawi mula sa lagapak.

Hanggang sa umabot muli ang online class go with the flow lang ako hanggang sa medyo bumalik na rin kami ni Rose Ann pero di ko muna siya ganung kakausapin para maiwasan lang manumbalik ang nararamdaman ko.

Kaarawan  ni Rose Ann:

May 19 birthday ni Rose Ann kaya nag-aya ako para rin makasama sila. Tatlo lang kami nina Rose Ann at Angela na magkasama at ganoon ulit, inikot ikot lang namin ang buong mall at tumagal kami ng higit isa't kalahating oras.  Pero dumalaw muna sila sa puntod ng tatay ni Rose Ann bago ako puntahan sa mall. Natagalan silang makapunta, 2 PM pinagusapan namin pero 2:50 PM na sila nakarating. Katwiran nila ay inaantay nila ang chat ko pero sa labas wala kasi akong internet.

Pagkatapos, sinamahan ko naman ang mga magulang ko papunta sa simbahan ng Quiapo para mamanata. Pag-uwi, inantay pa ni Rose Ann pictures ko pero kauuwi ko lang kaya mga gabi ko na naisend. Nagtaka lamang ako bakit di niya minyday ang picture naming tatlo pero yung picture nila ni Angela na nasa milktea shop, namyday niya. Nagsa-walang kibo na lamang ako.

Kinabukasan, inaasar ako ni Henz na ayun, hindi minyday picture namin ni Rose Ann. Sabi ko wala naman akong pake. Patuloy pa niya akong inaasar.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now