Yugto 35: Pighati

0 0 0
                                    

Yugto 35: Pighati

Pagkatapos ng kaarawan ko, panibagong hinanakit nanaman yata ang naranasan ko. Masaya namang kasama sila pero masakit lang ng konti sa akin na hanggang ngayon si James pa rin ang pinaglalaban ni Rose Ann kahit niloloko lang naman siya nun. Ngunit wala naman akong magawa kasi desisyon niya ito at wala akong karapatang hadlangan ito.

Dalawang araw makalipas ang kaarawan ko, wala si Rose Ann sa klase at medyo nakalaya ako kahit konti pero siya pa rin ang hinahanap hanap ko.

Kaya't dahil wala siya sa, ang kasama ko lang nun ay sina Henz, Althea, ang aking kaklase at si Nehems. Tapos ayun papicture picture lang sa cellphone ko. Pa minsan minsan naman, tumatabi ako kay Angela para malibang ako.

Lifegroup:

Bago pa man matapos ang Abril, gusto nina Henz at ng tropa na macelebrate ang birthday ko. Inaya niya ako sa bahay nila at doon may ginawa silang "Lifegroup" kasama ang tropa at ang mga churchmate nila.

Mga 5 ng hapon na kami natapos. Puro pagiging relihiyoso ang kanilang tinatalakay at pagshashare ng nangyari sa buong linggo. Ako'y napashare din para rin malaman nila ang kuwento ko. Pagkatapos, sunod naman akong tumungo sa church na kinabibilangan ko para sa isang pagpupulong.

Pag-uwi, si Rose Ann kaagad ang chinat ko ngunit matagal siyang nagreply na nagpalungkot sa akin.  Dahil dun, lalong tumindi  yung emosyon ko na deretsuhin siya na hiwalayan si James dahil di siya magiging masaya kasama siya.

Galit:

Kinabukasan, si Angela ang chinat ko patungkol dito. Binabatid ko na nag-iistay si Rose Ann sa taong niloloko naman siya. Dagdag ko pa na ayaw niyang i-enjoy ang buhay single at hindi pag-isipang mabuti ang sitwasyon bago magdesisyon. Ngunit aksidente niyang nasabi ito kay Rose Ann kaya't nagulat ako na chinat ako ni Rose Ann. At pinagtapat ko ang lahat.  At nauwi kami sa mainit na pag-uusap. Linggo iyon nangyari, Abril 30.

"Balita ko may sinasabi ka about sa akin." Chat ni Rose Ann sa akin. At ako't biglang nagulat at naisip ko na baka nasabi na ni Angela.

"Matagal ko nang gustong sabihin yan pero I chose na suportahan kita kasi yan ang pinili mo" Tugon ko na kinakabahan.

"Ano ibig sabihin mo dun sa nawawala na ako ng landas? Wala naman akong ginagawa sa'yo para sabihin mo yung mga yon." Tugon niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko sa kaba.

"Ang ibig kong sabihin dun, dapat pinag-isipan mo muna yung lahat bago ka pumasok sa relasyon. Hindi naman kita pinapakeelaman pero binatid ko yun kay Angela dahil nga hindi mo ako maiintindihan. Sinasabi ko lang ang opinyon ko." Pagdedepensa ko kay Rose Ann.

"Hindi mo ako pinakikialaman pero may pakialam ako sayo." Dagdag ko pa.

"Ayaw manghimasok? Pero ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ko naman kailangan ng opinyon mo. Gusto mo akong intindihin ka pero iniintindi mo ba yung pinupunto ko?" Tugon ni Rose Ann.

At dinagdaga niya, "Tama naman lahat ng desisyon ko tsaka pwede ba?"

"Of course, kaya sinusuportahan kita." Yan lamang ang tanging naireply ko at sineen lang niya ako.

San ba ako nagkulang? Bakit kailangan mangyari nito sa buhay ko?

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon