Yugto 15: Tampuhan at Poot

5 1 0
                                    

Yugto 15: Tampuhan at Poot

Ika January ng 2023, may pasok na kaya't excited akong pumasok sa paaralan. Hindi pa naman ako umamin pero handa ako magsabi sa tamang panahon. Nagkataong lumayo ang loob ni Ann sakin sapagkat nangako ako na bigyan siya ng pera pang street foods ngunit hindi ako nakapagbigay. Nagtampo siya at nainis rin ako dahio maliit na bagay lamang pero nauwi sa di pagpapansinan.

Hindi ko siya muling kinausap maging kaming magkakaibigan. Sinisimulan kong i-block ang kanilang mga account isa isa sa paniniwalang kaya ko siyang malimutan. Nabanas talaga ako sa kanila.

Kinabukasan, hindi ko sila pinapansin. Parang wala, wala lang, hindi kami magkakilala't walang pinagsamahan ganun.

Hindi ko sila kayang kausapin sa asal na naigawa nila sa akin.

Nagpatuloy tuloy ng mga 1 linggo subalit pinapayuhan din ako ng aking mga kaibigan at naisip at naalala ko rin ang mga masasaya naming alaala. Mapapatawad pa ba ang mga kaibigang nagkamali?

Kahit naalala ko ang mga masasayang alaala, pinag-isipan ko nang mabuti ang magiging hakbang ko. Madalas kngkasama sina Henz at ang Tropa. Naguguluhan ako't ayoko maglagay ng gakit sa aking puso.

Kahit galit at ayaw pumansin, patago pa rin akong tumitingin kay Rose Ann. Hindi ko maipaliwanag ngunit kahit ganito ang sitwasyon na tumatagal at lumilitaw, hindi ko parin siya maialis sa aking isip. Magpahanggang ngayo'y siya parin ang nasa puso't isip. Mahal ko nga talaga siya.

Kinabukasan, gumawa ako ng isang desisyon. Ano kaya iyon?

----Abangan!-----

If you liked this chapter, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now