Yugto 28: Nagseselos

2 0 0
                                    

Yugto 28: Nagseselos

Habang tumatagal at yumayaon na katabi ko si Rose Ann sa upuan, nagsasawa ako, hindi dahil sa kanya kundi pati na rin sa mga katabi ko. Bwisit din kasi sa part na sa likod namin, doon din siya nakikipag-usap, eh di ko sila gusto para kay Rose Ann pero ano bang magagawa ko, eh kalayaan niya iyon, alangan namang ipagkait ko, edi nagalit siya diba? Hahaha, bakit ba ako ganito magkuwento, parang may sama ng loob haha awit na yan!

Si Charles at ang bagong grupo:

Nang tumatagal ang March, mas di ako nasisiyahan, akala ko ba naman ok na ang lahat, di pa pala hays. Eto kasi ang nangyayari:

Una, si Rose Ann minsan lumilipat ng upuan at tumatabi sa kaibigan niya, "Sophie" ang pangalan niya. Pangalawa, parang nararamdaman ko na hangin nalang ako sa kanya pag nagkakaharap kami kasi mas gusto niya kasama sina Angela tapos ito, kasama sina Charles at ang isang babaeng kinaiinisan ko. Para sa akin kasi "bad influence" sila pero ano ulit magagawa ko. Ewan ko ano emosyon ko. Naghahalong galit at lungkot ba? Hahahaha! Pangatlo, lagi akong nag-aabang ng chat ni Rose Ann kahit pag-uwi. Para bang nauhaw ako kakahintay ng chat niya. Tapos kapag magchachat siya, hihingi lang siya ng tulong sa assignment then magkukuwento siya. Kahit dun lang nasisisyahan na ako. Ako, hindi nauuna sa pagchachat kasi lagi kong gusto siya mauna dahil parang ayoko na ulit maging "seeker for attention."

Masyado kong pinagtuunan ng pansin si Rose Ann. Sa kanya lang umiikot mundo ko. Parang naging alipin ako ng isang babae Hahaha!

Abangan pa sa susunod pang kabanata o yugto ang mga mangyayari pa.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now