Yugto 31: Panibagong Hinanakit

1 0 0
                                    

Yugto 31: Panibagong Hinanakit

Dahil nagalit sina Henz sa akin, parang nagtampo rin si Rose Ann sa akin. Linggo iyon at parang di ako makatulog nun. Kinabukasan, ok naman na kami ni Rose Ann pero hindi kami ganung magkalapit sa isa't isa at minsan naaatim niya na hindi ako kausapin. Yun nga lang masakit.

Sa pagdating ng Abril, pinagpatuloy ko ang "devotion" ngunit nakakatamad lang. Sa puntong iyon, pinipilit ko lang sarili ko pero hindi ko interes ang kanilang "devotion" pagkat Katoliko ako at hindi siya requirements.

Bagamat ginagawa ko ito para sa Diyos kaya hindi ko maiwan. Minsan kung walang magawa, ay binabasa ko lang yung pocket na bible na binigay sa akin. Dati ang akala ko na ang "New Tesmament" ang laman ay buhay ni Jesus pero nung mabasa ko ito hindi lahat. Tulad na lamang ng sulat kay Tito, sulat ni Pedro, maging ang Pahayag at Gawa ng mga Apostol ay hindi sumasalamin sa buhay ni Jesus. Ang tawag dun sa mga libro na tinatalakay ang buhay ni Jesus ay mabuting balita o "gospel" na tumutukoy sa mga turo ni Jesus, sa aking pocket bible. Apat lang ang mabuting balita, Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Kaya basa lang ako ng basa nito at nageenjoy akong basahin ito. Pero ginagawa ko ito bilang "free time" lang haha.

Struggle sa Pag-aaral:

Sa science, ang hirap ng topic namin, tungkol sa "DNA" and "RNA" at mahirap makasunod haha. Tapos yung mga nakapalibot pa sayo nakakabwisit pa haha. Magtitimpi pa talaga ako hangga't kaya ko at hanggang si Rose Ann nasa  puder ninyo hahahaha!

Then, may reporting din ako ESP about sa pangangalaga ng kalikasan, at dito naginsert ako ng mga bible verse tulad ng Marcos 12:30.

"Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo, at ng buong lakas mo"

—Marcos 12:30

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now