Yugto 21: Pakawalan?

2 1 0
                                    

Yugto 21: Pakawalan?

Ayokong umabot sa punto na magmomove on ako sa tao lalo't kung mahal na mahal ko siya. Paano ako? Nahulog na sa kanya at mas nahuhulog paunti unti.

Nagdesisyon ang "adviser" ng seksyon namin sa paaralan na magpalit ng "sitting arrangement" sa klase. Napag-isip isip ko na tumabi sa kanya upang makakuha ng "chancing". Liban siya sa klase kaya't wala siyang alam sa nangyari.

Sa kagandaha'y pumayag si adviser sa aking request dahil siguro pinilit ko ito.

Pagkauwi, nagpahinga lamang ako para mabawasan ang aking mga iniisip. Makalipas ang ilang oras, may natanggap akong masamang balita.

Nalaman niya na ako ang katabi niya kaya medyo nakaramdam siya ng poot. Halos mahulog ang mundo nang ito'y aking malaman. Pumasok rin sa isip ko na pakawalan na siya kung nais pa niyang lumayo.

Inisip ko na sige, pakawalan ko na siya sapagkat nagawa ko na ang dapat, nagbigay na ako ng regalo sa "Valentine's", naapreciate niya at hanggang dun nalang. Sana'y magkita kami ulit nang wala na akong nararamdaman sa kanya.

Makalipas ang ilang oras, pumayag rin siya na maging katabi ko at bumalik ang sigla nang nararamdaman ko sa kanya. Agad ko itong sinabi sa mga tropa ko pero sa pagkakataong ito, pinapayuhan ako na dapat, sa ganitong sitwasyon, magmove on na ako dahil mas lalo akong mahihirapan.

Naliwanagan ako sa mga nasabi nila at alam kong mahirap gawin ito. Pahapyaw ko na lamang na ginagawa ito ngunit paunti unti. Nawa'y makayanan ko ito. Mahal kita Rose Ann, hanggang sa muli.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Kde žijí příběhy. Začni objevovat