Yugto 8: "Hanga"

13 1 0
                                    

Yugto 8: Hanga

Jam:

Tuluyan nang nasira ang pagkakaibigan ng mga babaeng kaibigan ko. Sa classroom, hindi na kami nagpapansinan. Kahit sa chat lamang ay kinakatamaran pa naming gawin. Wala na, nagsarili na ata sila. Huuuuu, hayaan ko nalang sila. I'll be giving them more time.

Well, I'm still continuing my colorful plans with my new crush, Jam because I saw that she's indeed sincere to me and I know that she also treats me as her friend. I do, I do appreciate that sapagkat sa buong buhay ko, hindi ako makapaniwala na sa kanya ko mararamdaman ito.

Nang matuklasan kong ang pare kong si Owang ay may gusto naman sa kanya, para bang bumigat ang loob ko. Sa tingin ko'y hindi siya ang para sakin. Pero wala namang masama kung susubukan!

Magmula Oktubre hanggang Nobyembre, sinusulit ko ang mga araw na nagmamabutihan kami, sa classroom, medyo pinapansin ko siya at alam ko namang hindi ito kahiya hiya dahil kung siguro alam niya yung feelings ko, hinahayaan niya lang ako.

Sabi nang close friend niya na friend ko rin na "baka ako raw ang piliin". Totoo kaya? Will that happen?

Actually, medyo nahihiya rin talaga akong lumapit sa totoo lang. Ano ba yan! Noon kahit kailan pwede ko siyang lapitan pero bakit nung nagkacrush ako sa kanya nahihiya na ako. Bakit kailangang nahihiya akong lumapit sa babaeng hinahangaan ko? Di ko lang talaga lubusang maisip.

Kahit ganun, tuloy tuloy parin akong nagbibigay ng regalo sa kanya. Minsa'y nililibre ko siya ng pangmeryenda o di kaya'y gumagawa ako ng artwork at binibigay sa kanya.

I could see her expressions and I know that she much appreciates it. Di siya tumatanggi bagkus, nagpapasalamat pa. Yan ang goods. I follow my heart to a true person.

Madalas ko rin 'tong kinukuwento sa tropa ko, kahit sila man ay natutuwa sakin pero binabalaan din nila ako na baka nagseselos na sakin yung ibang nagkakagusto sa kanya lalo na yung pare kong si Owang. Nag-iingat naman ako at malay mo ako talaga yung suwertehin.

----------after 2-3 weeks----------

Chat with Henz:

Ang isa kong tropa na si Henz ay malapit sa akin at madalas akong magsabi ng mga plano ko sa kanya.

"Par, what if umamin na kaya tayo sa mga crush natin?" -Henz

"Wag! Baka mailag satin?"-Ako

"Hindi yan, maiilag sayo yan kung hindi mo ieexpress ng mabuti"-Henz

"Siguro nga pero sige try din natin".-Ako

----end of convo----

So yun na nga, nagconfess na kami sa mga crush namin. Luckily, hayyysss! Tanggap nila kami sheeessshhh talaga. Sarap ibunyag sa iba. Sabi ng pare ko ok lang daw na may crush sa kanya sheesssh. Sabi ko naman sa kanya baka para sayo talaga hahahaha. Umamin din ako, baka naman ok lang din sa kanya dahil nakita ko naman mabait ang crush ko. Napaamin din ako at tanggap niya ang nararamdaman ko dahil tulad ng sinabi ni teacher, having a crush can serve as an individual's motivation or inspiration to study harder.

Agad ko itong kinwento sa tropa ko at hayyysss, swerte naman kami hahahaha. Buti nalang talaga hindi sila madaling mailag pag may humahanga sa kanila. Sana ang ibang mga babae ganyan din.

If you liked this chapter, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now