Yugto 11: Space in the Heart

10 0 0
                                    

Yugto 11: The Space in the Heart

Pre, musta? Ok ka lang ba, andito naman kaming tropa mo para araw araw kang pasayahin. Ang bawat yugto ng buhay ay hindi natatapos kaya sulitin na rin natin na magkakasama tayo. (Henz)

It's been about a week since tanggap ko na wala na akong crush sa classroom. I'd say madaling magmove on. I'd say na mas ok ang mag-isa at kasama lamang ang tropa kaya nagfocus din ako sa pag-aaral at sa mga kaibigan ko.

Dumating sa punto na ang aming seksyon ay may proyekto, gumawa ng isang dula. Whaaaaat! Dula ni English poet, William Shakespeare na "Romeo and Juliet", wow, exciting talaga. Pinaghandaan namin ito ng mahigit 6-7 na linggo dahil talagang minamaster ng marami sa amin ang kanilang role. Ang iba dya'y hindi pa makabisado ng buo ang script.

Buti nalang at madali lang ang akin dahil kakaunti lang ang kakabisaduhin at kakaunti lang ang scenes. Luckily, partner ko dun ang mga tropa ko at isa na dun ay si Henz kaya para bang ako'y namomotivate dumalo sa mga praktis.

During the fourth to the last day ng praktis, nilapitan ko ang babae kong kaklase't mabait na kaibigan ngunit hindi ko lang close. Itago ko na lamang siya sa pangalang "Nehems". Noong una hindi ako nagandahan sa kanya pero later on wow, parang nafefeel ko may something.

Sinabi ko rin sa kaibigan ko yun pero sabi ko ay wala akong nararamdaman pero what if magkaroon na?

Ngayon palang habang wala pa akong nararamdaman ay magfirst move na ko para hindi na ako nahihiyang lumapit tulad nang nangyari dati. Sabi ng kaibigan kong si Henz na subukan ko lang dahil mabait naman yang si Nehems.

Mabait naman din si Nehems pero wala akong kilig na nararamdaman dahil getting to know each other strategy ako. Mabait naman siya sa akin at feel ko na hindi siya ilag. Gayun din ako sa kanya, pinaparamdam ko na mabait akong kaibigan sa kanya.

Kung wala pa akong nararamdaman sa ngayon, may mabubuo ba?

One day, inabutan ko si Nehems ng biskwit sa praktis pero talagang binili ko yun para talaga sa kanya. Ngunit nahiya pa akong magbigay nun pero pinilit ko kasi nga wala siyang alam.

If you liked this chapter, hit a vote!

Paano Umasa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon