Yugto 4: Pagbawi sa Walang Nabawi

21 2 0
                                    

Yugto 4: Pagbawi sa Walang Nabawi

Pag-uwi ng bahay, sad boy era kagad hahahahaha, natulala, napahiga ng may pagaalinlangan kung magkakatuluyan kami ng taong aking lubos na hinahangaan. Ako'y parang nawawalan ng pag-asa dahil ilag siya sa akin ngunit ayaw ko itong aminin sa aking sarili. Lagi kong iniisip na mabait siya sa akin.

Cinonfess ko itong pangyayari sa bago kong close friend na si Rose Ann. Di ko inakalang magiging kaibigan ko ito kasi sa room parang malabong maging close kami pero nagulat na lamang ako naging close kami dahil na rin siya ang nagchat sa akin, hanggang sa umabot ng mahaba ang conversations namin. Pinayo niya sa akin na ako'y nagkamali. Kahit sino raw na tao ay magugulat kung magtatanong ka kung pwedeng makipagkaibigan lalo't alam niya na may gusto ako sa kanya. Naisip ko rin na mali lang ang aking porma kaya nag-iba ako ng istilo ng paglapit kay crush.

Hindi parin ako sumuko kahit nasaktan ako. Para sakin, kung nais ko ang isang tao, ipaglalaban ko ito hanggang dulo.

With the next days and weeks, wala paring nangyayari, nothing is still happening. Hindi kami nag-uusap o kung magpansinan at mag-usap man, ito'y maiklian at hindi paraan ng pakikipagkaibigan. Unti unti akong nagmumukhang tanga sa iba lalo na sa aking mga kaibigan.

Saturday:

-----cringggggg---- (ng cellphone)

"Good pm class, paki sagutan po ang ating asignatura at ipasa ito sa monday. Maraming salamat".

Pagbukas ng aking cellphone, ito ang tumambad sa aking mga mata, mayroong takdang aralin sa ESP pero ito'y pinicturan ng aking mga kaklase sa loob ng klassroom. Pano ako! Wala akong pic. Hindi ako nakapagdala ng cellphone.

Pumasok nanaman sa isip ko ang aking crush na si Lian Mae at alam kong ito'y kanyang nalitratuhan. Sinubukan ko siyang tanungin kung may pic siya sa assignment. Hindi siya nagreply. Naghintay ako buong magdamag pero wala. Ano kaya ang nangyari? Busy kaya siya? May kausap? O di lang napansin ang aking chat? Di ako mapakali kakaisip.

Nagdaan na ang buong araw, hindi na talaga siya sumagot. Nagtaka pa rin ako kung bakit. Bakit naman niya ako hindi rereplyan. Ang pag-ibig talaga ay totoong nakakabulag dahil ito'y nangyari sakin sapangkat inisip ko nanaman na baka siya'y maraming ginagawa. Pero ang totoo, may nangyari na ayaw ko lang aminin. Dahil hindi siya nagreply, naisip ko na lamang na magtanong sa iba.

If you liked this chapter/ book, give a vote!

Paano Umasa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon