Yugto 32: Sakit sa Gitna ng Pag-Aaral at Pagiging Maka-Diyos

0 1 0
                                    

Yugto 32: Sakit sa Gitna ng Pag-aaral at Pagiging Maka-Diyos

Ang bibilya'y ginamit ko rin para mahilom ang mga sugat ko. Pero minsan nararamdaman ko pa rin yung sakit at selos pag dating kay Rose Ann lalo kasama niya yung jowa niya. Kahit mali, ginawa ko pa rin ang lahat para sa kanya.

Sinubukan ko nang mag move on pero nahirapan ako at mas nanaig yung pagmamahal ko para sa kanya.

Isa rin itong pagsubok at mabigat din ang Abril na dinadala ko. Pero kahit ganun, nananatili akong malakas pagkat yun ang gusto ng Diyos. Nung matapos ko na ang "devotion" sa Gospel of John, lumipat ako sa readings nina Henz, at nagsimula ako sa 1 Samuel hanggang 1 Hari. Grabe ang hirap intindihin at parang gusto mong ayawan ito sa lalim.

Pagbawi ng Kasiyahan:

Sa buwan ng Abril ay nakaramdam din ako ng kakaunting kasiyahan.

Situation 1: Nagkaroon ng reporting sa klase ng science at ako ang nagreport at nagkataon na alam ko yung itatalakay kaya nakapagreport ako ng maayos at sila'y natuwa. Tapos chinat ako ni Rose Ann na nagustuhan nila ni Charles ang report ko.

Situation 2: Magkakaroon akon ng contest sa AP at nakuwento ko ito kay Rose Ann, at sabi niya na "goodluck" at kaya ko raw ito. Aba, nagsend din siya sa akin ng nagpicture haha. Ang saya ng pagkakataong iyon at sana lagi nalang iyon mangyari. Doon namotivate ako na pagbutihin ang pagsasanay para manalo. Pero hindi ako pinalad. Ayos lang naman, marami pang pagkakataong bumawi.

Minsan naman si Rose Ann medyo bumabalik sa dati kasi nanghihingi rin siya ng payo sa akin pag may problema. At binibigay ko ang best ko at dahil dun, sa kakayanan ko sa bible ay ginamit ko ito.

"Kayo'y magpuyat at magsipanalangin upang huwag kayong magsipasok sa tukso."

—Mateo 26:41

Isa iyan sa ibinigay ko sa kanya.

Sana naman nakikita na niya yung mga good sides na mahahangaan niya sa akin.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now