Yugto 37: Liwanag

0 0 0
                                    

Yugto 37: Liwanag

Ang Churchmate kong Chinita:

Mga early May, bagong lipat kami at sabi ng aking tatay, "Dito rin ba nakatira yung isa mong churchmate?" Sumagot ako ng patanong, "Sino papa?" Sumagot siya, "Yung may itsura na maganda." Ah, so naisip ko baka si Lourdecel ang tinutukoy niya. Ayun nga, siya pala.

Sinasabi sakin ni papa na kapitbahay yata namin si Lourdecel kasi napapansin niyang dumaan siya sa lugar namin. Kaya chinat ko si Lourd, "Nakatira ka ba sa (mention your street)?" Agad ding sumagot sa chat ko si Lourdecel, "Oo haha." At nakuwento ko na bagong lipat ako at biniro ko siya, "Pwede makitira sa inyo?" Sumagot pa siya ng "Yes".

Gabi na nun at bago ako matulog, nagsabi muna ako ng "Goodnight". Heart react at reply, "Good night din." At sa simpleng "goodnight" na iyon ay tinamaan na ako kay Lourd. Ayaw ko na ulit umamin hahaha.

Sa school, kaya kayang kaya ko nang maging masaya o masigla kasi may bagong nagpapasaya sa akin. Tuwing lunes at martes lang ay may pasok kami habang online sa miyerkules at huwebes. Pero maayos na kami nina Henz pero kay Rose Ann, hindi pero mas magandang ganito muna kasi andyan na si Lourdecel. Pero sana sa tamang panahon maayos na kami.

Pag-aayos:

Sa last face to face kong pasok dahil magoonlince class ulit buong week, parang nakita ko si Lourdecel na naglalakad papuntang school kaso di ko nakita ang mukha pero parang siya kaso di ko talaga nakita kasi nakasakay ako ng motor at mabilis ang pangyayari.

Mga kalagitnaan ng Mayo, chinat ko si Angela, sabi ko, "Makipag-ayos na kaya ako?" Tumugon siya, "Ikaw bahala, goodluck." Pero hiyang hiya pa ako magchat kay Rose Ann kaso ayoko namang magkimkim siya ng galit tsaka 1 or 2 weeks na ang nakalipas.

"Hi Rose Ann. Matagal din tayong di nagusap. Gusto ko lang sabihin sayo na bumabalik na ulit ako bilang kaibigan mo. Di lang kita pinapansin sa school baka kasi naiirita ka pa rin pero ngayon makikipag-ayos na ako."

Maigi ko pang binasa paulit ulit ito bago i-send. "Ok" lang ang nireply niya pero matagl ko itong sineen.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now