Yugto 29: Nanghihinayang sa Dating Pagkakaibigan

2 0 0
                                    

Yugto 29: Nanghihinayang sa Dating Pagkakaibigan

Oo, nanghihinayang talaga ako sa pagkakaibigang nawala dahil sa pag-ibig. Siguro dapat di ko nalang inilabas itong nararamdaman ko kasi mahirap eh, mahirap mahulog sa kaibigan lalo't alam mong hahanap hanapin mo, yung para bang hindi ka kumpleto kung hindi mo siya kasama't kausap. Ayun naramdaman ko pero bakit kaya nangyayari ito noh?

Bagong Mga Kaibigan:

Minsan, may mga pagkakataon na gusto kong umiyak pero hindi ko magawa kasi nga gusto ko ilabas kung anumang sama ng loob nadarama ko pero ni isang luha hindi kayang pumatak kaya nagtitiis, nagtitiyaga nalang ako hanggang sa araw o pagkakataon na bumalik sila.

Minsan inaamin kong nagseselos ako kung nakikita ko silang lagi magkasama. Tapos nung birthday ni Angela, di ako nakasama kasi di ako pinayagan. Tapos nakita ko mga my day nila na masayang magkakasama. Sana ako rin, sana andun din ako para maging masaya kaso napagkait.

Kaya pinagpipilit ko ang sarili ko kahit may senyales na malabong magkaroon ng pag-asa, na malabong bumalik pa ang lahat sa dati. Wala eh, desperado na ako nun kaya dinaan ko lng yung thought na baka di na maibabalik ang nakalipas.

Paminsan minsan naman, umiiwas rin ako lalo kung masakit pero mas nalalagi na kahit masakit sama pa rin ako ng sama kasi nga gusto kong makisama, at kahit alam kong hindi tama, sumugal ako kasi nais ko. Mahirap talaga sobra!

Napapalapit Kay Charles:

Sina Rose Ann, Angela at Abegail ay madalas nang napapalapit kay Charles. Parang siya na ang pumalit sa akin. Hindi ba mahirap iyon? Yung alam kong nauna ka at gusto mo ikaw pa rin ang wakas pero may nandun na at siya ang pinili. Si Angela mas "close" sa kanya pero salamat sa Diyos at di nagbabago si Angela sa akin. Si Rose Ann naman talagang nagbago o sadyang dahil nagkagusto ako sa kanya, mababago talaga lahat. Madalas na niyang kasa kasama si Sophie kung hindi man si Angela. Kasi bawat gabi, lagi akong nag-aantay ng chat niya kahit na tatanga tanga ako na tatanungin lang niya ay patungkol sa assignment.

Dumating pa sa punto na minsan, tanong din ako ng tanong kay Charles kung close ba sila ni Rose Ann. Sabi naman niya hindi masyado pero I doubt haha kasi hindi iyon ang nakikita ko.

Di masaya yung sitting arrangement hahaha. Kasi puro mga nakakainis ang mga nakapaligid.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now