Chapter Twenty-One- Anything

Start from the beginning
                                    

Matagal na yon pero nakatatak pa rin sa amin yon.

Wala akong sinisisi sa mga nangyari pero sobra na si Sheena. Sobra na.

~

Sheena's Point of Vies

Umiyak lang ako ng umiyak dito sa likod ng school.

Masyadong masakit para sa akin ang nangyari noon.

Nawala si Eiron sa buhay ko dahil sa pagligtas niya kila mama. Pero ngayon ko lang narealize na kung hindi ak pumunta sa bundok hindi mangyayari yun.

Six years ago...

"Mahal kita Sheena. Sana tanggapin mo ko ng buong puso."

Di ko alam kung ano ang irereact ko. Kasi isang hearthrob na ang nagconfess sakin. Isa lang naman akong hamak na nerd.

Pero ngayon, di ko na mafefeel yon dahil isa na akong girlfriend ng hearthrob!

"Mahal din kita Seiji!" sabi ko at agad siyang niyakap

Naramdaman kong tumawa siya, siguro dahil sa tuwa. Pinaalam ko muna iyon kay Eiron, na kami na ni Seiji pero hindi siya pumayag.

Ayaw niya daw kay Seiji at makipaghiwalay daw ako sa kanya. Pero di ako pumayag. Mahal ko si Seiji at gagawin ko ang lahat para tumagal kami.

Pero simula noon, di ako kinausap ni Eiron. Bahala siya. Basta masaya ako. Nagdaan ang araw at lagi akong nakabuntot kay Seiji, sabi niya kasi kailangan daw lagi akong nasa tabi niya.

Minsan pa nga papapuntahin pa niya ko sa bahay nila eh kahit hating gabi na eh. Tapos gagawa kami ng assignments, kaso siya nakakatulog. Naawa naman ako kasi lagi siguro siyang pagod kasi player siya ng soccer team kaya ako na gumagawa ng assignments niya. Pati na rin ng iba pang projects, activities at marami pa.

Isang buwan na ang nakararaan at kami pa rin ni Seiji. At natutuwa ako dahil tumagal kami ng ganoon.

Ngayon nandito ako sa tapat ng locker room at inaantay na lumabas siya para sopresahin siya dahil this day is our first monthsarry.

Bibigyan ko siya ng binake kong cookies at cake. Pinaghirapan ko pa ito dahil espesyal siya sa akin. Alam ko namang matutuwa iyon dito eh.

Habang nagaantay ako, may babaeng biglang bumangga sakin at pumasok sa locker room. Di ko na lang siya pinansin kasi for sure lalandiin niya lang sa loob ang ibang player.

Nagdaan ang ilan pang oras pero di pa lumalabas si Seiji kaya napagpasyahan kong pumasok na lang. Pagpasok ko may nakita akong dalawang babaeng nakasampa sa lap ng boyfirends nila at naghahalikan.

Such a eeww!

Walang pumansin sa pagpasok ko kaya mas nilibot ko pa ang room.

Hanggang sa mapadpad ako sa pinakadulo... nandun siya... sila..

At nagmamake out.

"MGA HAYOP KAYO!" sigaw ko sabay bato ng dala kong lalagyan na may cookies at cake.

Sumakto naman sa ulo nung babaeng bangga sakin kanina yung cake.

"Aaarrgghh! How dare you?!" Sigaw niya sabay tayo at ayos ng damit.

"How dare me?! Fvck you! Boyfriend ko lang naman ang hinahalikan mo!" Sigaw ko dito .

"Babe? Nagpapatawa ba siya?" nakangising sabi nung babae sabay yakap kay Seiji.

Mysterious TwinWhere stories live. Discover now