Chapter 42

1.1K 45 7
                                    


Ibang klase ang pagod ni Eugene pagbaba nila mula sa kung saang kapatagan na hindi niya alam na nag-e-exist pala sa mundo. Nagtanong pa siya kung puwedeng dumaan sa shortcut. Pumayag naman si Theo. Pero namaos na lang siya kasisigaw nang magbangka sila at nagpaanod sa malakas na agos ng tubig sa mahabang ilog.

Nakapag-water rafting na siya noon at kompleto sila sa safety gear. Kaya halos isumpa na niya ang buong lugar dahil nakabangkang kahoy lang sila, siya lang ang may life vest sa limang nasa bangkang kasama niya, mukha pang uulan na ipinagpapasalamat niyang hindi natuloy, nasira pa niya ang kahoy na upuan ng bangkero kaka-panic, muntikan pa silang tumaob sa gitna ng batuhan, at kahit na forty minutes lang ang itinagal bago sila makarating sa bayan, hinding-hindi na siya uulit pa sa pagdaan sa mga shortcut kahit na kailan.

Sa sobrang pagkabalisa niya sa umagang iyon, nakisuyo na lang siya kay Theo na ipag-drive siya hanggang Makati dahil wala na talaga siya sa huwisyo pagbaba ng kabayanan.

Nakakawala ng stress sa kapatagan pero nakakapuno naman ng trauma pagpunta at pag-alis.

Umuwi na si Eugene sa condo niya suot ang windbreaker jacket at jogging pants na ipinahiram sa kanya sa center. Umaga sila nakaalis pero alas-kuwatro na siya ng hapon nakauwi. Hindi nga siya makapaniwalang maglalakad siya sa lobby ng condo na nakapaa dahil nasira ang loafers niya nang sinubukan niyang ilakad sa batuhan pababa ng ilog.

Pagtapak niya sa loob ng unit, una agad niyang nasilayan si Divine na nakasuot ng sweater niya, wala na namang pang-ibaba, at hawak ang mug niya.

"Pfft! HAHAHAHA!"

Sumimangot na lang siya at pagod na pagod na tumungo sa sofa bago ibinagsak ang sarili roon.

"Saan ka galing?" natatawang tanong ni Divine.

"I went from hell to heaven, and hell again! My God, Divine." Kinuha niya ang malambot na unan ng sofa at niyakap. "I'm tired!"

Inilabas niya sa kunwaring pag-iyak ang frustration sa naging biyahe niya.

"Tumawag si Kuya Theo. Ano'ng ginawa mo sa center?"

Kunwaring humagulhol si Eugene nang maalala ang naging paglalakbay niya pag-akyat at pagbaba roon.

"Hahahaha! Ayan, sinasabihan ka kasing huwag pupunta, makulit ka pa."

"Nakakapagod!"

Tawa lang nang tawa sa kanya si Divine habang namamapak ito ng cookies at tinimplang chocolate drink. Nagsumiksik pa ito sa sofa kung saan siya nakahiga kaya napapaling siya patagilid para lang magkasya sila.

"Umuwi ka raw kahapon," sabi ni Eugene nang paurungin si Divine malapit sa bandang dibdib niya. Niyakap niya ang baywang nito gamit ang kaliwang braso saka niya sinilip ang mukha nito mula sa gilid.

"Yeah, akala ko nga, nandito ka sa unit," sagot nito.

Napasimangot na naman si Eugene nang maalala ang sermon sa kanya ng Lola Tessa niya.

"Umuwi ka muna. Hintayin mo na lang ang asawa mo sa inyo. Uuwi rin 'yon."

Pero hayun siya at nagsasariling desisyon. Naisip niyang dapat talaga ay nakinig na lang siya sa lola niya.

"How was your trip?" natatawang tanong ni Divine.

Bumusangot na naman si Eugene. "The struggle is real."

"Hahaha! Ang pabibo mo kasi, wala namang nag-uutos sa 'yong umakyat ng bundok."

"Ayoko nang bumalik do'n," sumusukong sabi ni Eugene. "Moral support and other things na lang i-request mo, Mine. Akala ko talaga, hindi na 'ko makakauwi."

Ten Times WorseWhere stories live. Discover now