Chapter 30

483 37 3
                                    


Tatlong oras pa lang na tulog si Eugene at sinikatan na ng araw ang cabin. Tumatagos ang sinag sa manipis na puting kurtina ng nakabukas na bintana. Dinig na dinig ang huni ng mga ibon sa katapat na punong mangga sa parteng iyon ng maliit na bahay.

"Jijin . . ."

Tatlong oras pa lang ang tulog ni Eugene pero gising na gising na ang diwa ni Divine na wala pang deretsong tulog. Nakapaghilamos na siya't lahat, tulog pa rin si Eugene. Sinusulyapan niya ang mukha ng asawang mahimbing na natutulog. Doon pa niya napiling humiga sa may dibdib nito samantalang ang likot-likot niya.

"Jijin, nagugutom na 'ko . . ." mahina niyang sabi habang dinudutdot ang tungki ng ilong ni Eugene. Mahimbing nga ang tulog nito, hindi man lang magising sa ginagawa niya.

"Jijin, gusto mo, ikaw na lang kainin ko?" Pabirong kinagat ni Divine ang kanto ng balikat ni Eugene saka siya humagikhik pagkatapos.

Ayaw pa ring magising ni Eugene.

Umurong pa paakyat si Divine para magpantay ang mga mukha nila. "Jijin . . . pakainin mo na akooo . . ." Paulit-ulit niyang hinalikan sa labi si Eugene. Hindi pa rin ito magising-gising. "Hmp! Bahala ka diyan. Kakain na lang ako mag-isa, hindi kita dadalhin ng food."

Mabilis na umalis si Divine sa kama at nagkalkal ng bag na dala nila. Nag-bra lang siya at panty saka isinuot ang baon nilang black and white penguin onesie niya na may kasamang penguin feet slippers na tumutunog tuwing itatapak.

Malayo ang secret garden sa main house, pero doon lang siya puwedeng makakain nang libre. Kaya mula sa secret garden, tumawid pa siya ng gate papunta sa farm. Umagang-umaga, kanan-kaliwa siya sa paglakad habang sinasabayan ang tunog ng tsinelas niya.

"Tut-tit-tut-tit! Tut-tit-tut-tit!" Kinakampay niya sa magkabilang gilid ang mga braso habang nilalakad mag-isa ang mahabang kalsada.

Napahinto lang si Divine nang may trike na saglit na huminto para tanungin siya ng driver.

"Ma'am, saan kayo—ay, Ma'am Divine!" hiyaw ng driver nang mamukhaan siya. "Saan ho sina Ramram? Hindi ninyo kasama?"

"Hindi po!" masayang sagot ni Divine.

"Saan kayo? Mag-isa lang kayo?"

"Mag-isa lang po! Kakain po ako sa main house nina Mrs. Lauchengco." Itinuro niya ang malayong bahay na tanaw naman doon sa puwesto nila. "Lalakarin ko na lang po papunta doon. Tulog pa po asawa ko, e. Ayaw niya kasing gumising."

"Ay, susme. Sakay na kayo, hatid ko na kayo doon."

"Okay lang po ba?"

"Okay lang, ma'am!" Mabilis na bumaba ang driver at kinuha sa loob ng trike ang isang sako ng mga basahan na ide-deliver dapat nito sa main kitchen ng farm. Inilipat niya iyon sa bubungan ng trike para makaupo si Divine sa loob.

"Kaya naman po ako sa likod, Manong," sabi pa ni Divine.

"Dito na kayo, ma'am. Mainitan pa kayo rito sa labas, pagalitan ho kami ni Mr. Lee. Pasok na ho kayo."

Ngumiti na lang nang malapad si Divine saka sumakay. "Salamat po, Manong!"

Kilalang-kilala na si Divine sa farm ng mga Vizcarra. Sa sobrang dalas dumaan doon ng mga Lee tuwing may gathering, malabong hindi siya makilala ng mga tauhan doon. Naisip niyang baka taga-barn o tagaroon sa kusina ang driver ng tricycle. Si Damaris ang hinanap nitong kasama niya at hindi si Melanie. Kung taga-maintenance ito o di-kaya'y caretaker sa mga bakasyunan doon sa lupain ng mga Vizcarra, siguradong si Melanie ang hahanapin nitong kasama niya.

Ten Times WorseWhere stories live. Discover now