Chapter 25

491 36 12
                                    


"KUYA EUGENE! KUYA EUGENE! SI ATE CHAMEE, INAAWAY ASAWA MO!"

Sabay-sabay pa silang napalingon sa maalikabok na kalsada dahil doon sa sumisigaw. Malayo pa lang, nakatanaw na sila kay Cheesedog na kumakaripas ng takbo papuntang manggahan kung nasaan sila nanunungkit ng mangga.

"Ate Chamee raw," parinig ni Calvin na namamapak ng nabalatan nang mangga ni Rico.

Tuloy-tuloy ang pagtakbo ni Cheesedog na huminto lang nang ibangga ang sarili sa katawan ng punong mangga kung saan nanunungkit ang mga ninong niya. Hinihingal pa siya nang ituro ang pinanggalingang kalsada.

"What happened?" kinakabahang tanong ni Eugene nang lapitan ang kinakapatid niya.

"Si Ate Chamee, pinagalitan si Ate Divine!" sigaw pa rin ni Cheesedog kahit magkaharap lang sila ng kausap.

"Pinagalitan?" gulat na tanong ni Eugene. "Bakit pagagalitan? Ano'ng ginawa ni Divine?"

"Walang ginawang si Ate Divine! Sabi lang ni Ate Chamee, ang tanda mo na raw, nagsusuot ka pa ng onesie, di naman bagay sa 'yo."

"Ugk!" Nabulunan bigla sina Patrick sa kinakain matapos marinig ang sinabi ni Cheesedog.

"Tingin ko, hindi 'yan sasabihin ni Carmiline," sabi pa ni Leo na isa ring kinakabahan sa balita ng inaanak niyang madaldal.

"I think, interpretation lang 'yan ni Carlisle," segunda ni Calvin. "Verbatim ba 'yan?"

Huminga nang pagkalalim-lalim si Cheesedog sabay paikot ng mata. "Fine! This is what really happened."

Hindi na inabala pa ni Eugene ang sariling makinig sa sinasabi ng kinakapatid. Kumaripas na lang din siya ng takbo pabalik sa main house para puntahan ang asawa.

Samantala, naiwan naman doon sina Leo na nakikinig sa kuwento ni Cheesedog. Pumostura pa ito at naghanda sa pagkukuwento ng nangyari.

"Nasa pool kami nina Ramram when Rex asked me na kunin ang sunglasses niya sa room nila. And I was like, 'Okay, Baby sis, gotcha back.' Then I walked and I walked . . ."

Napapatakip na lang ng bibig sina Rico para magtago ng tawa dahil tuwing magkukuwento si Cheesedog, laging may reenactment.

Kunwaring naglalakad si Cheesedog, pamartsa-martsa sa puwesto niya. "Then I stopped." Sabay hinto niya sa paggalaw.

"Cali, doon ka na sa part na narinig mo yung conversation," utos ni Leo.

"Wait, Ninong Leo. Progression is the key."

"Alam talaga kung kaninong anak 'to, e," sabi pa ni Calvin na isa ring nag-aabang doon sa narinig na usapan ni Cheesedog.

Nagpatuloy si Cheesedog sa kuwento niya.

"The hallway felt eerie and solitary. The cracking of the wooden floor as I stepped on it was giving me an unsolicited tension I wasn't supposed to feel. Sunrays peeking at the windowsill brought the nostalgia of the past, giving the lonely aisle a sudden flashback of good memories running from the uncertain future . . ."

"Anak, yung conversation, oo. Doon tayo sa conversation. Alam namin yung itsura ng second floor nina Ninang Mel mo," paalala ni Clark sa anak.

"Wait, Pops! I'm on it na," sabi pa ni Cheesedog, inaawat ang daddy niya, nagtaas pa siya ng palad para pigilan ito sa pagsingit sa kuwento.

"So there . . . I was in front of the wooden door when I heard two voices inside," mahinang kuwento ni Cheesedog na para bang nagkukuwento ng fairy tale sa mga audience niya. "They were talking about something I didn't understand at first. I was about to knock!" Itinaas niya ang kanang kamao. Napaatras sina Rico nang mabigla sa kilos niya. "But I stopped."

Ten Times WorseWhere stories live. Discover now