Chapter 13

603 37 2
                                    


Umaga pa lang, nasa bahay na ni Eugene si Divine. At dahil gustong sulitin ni Eugene ang tatlong araw na magkakasama sila ng asawa, inaya niya agad itong mamasyal kaysa magkailangan lang sila sa condo unit niya.

Tinanong niya ito kung saan nito gustong pumunta. Ibinalik naman nito ang tanong sa kanya na kung dadalhin niya ito sa isang lugar, saan iyon?

Naisip tuloy niya ang sinabi ni Divine na gusto nito sa lugar na may mayamang history at masarap na food trip. Naisip agad niya ang mga Vizcarra basta pagkain.

"Isa itong farm ng Ninang Mel ko sa favorite places namin para magbakasyon," kuwento ni Eugene habang naglalakad sila ni Divine.

"Saan ito papuntang dinaraanan natin?" usisa ng asawa niya.

Itinuro ni Eugene ang harapan ng daang nilalakad nila. Puro puno ang daanan nila at para bang gubat iyon sa gitna ng farm na pinanggalingan kung saan ipinarada ni Eugene ang sasakyan. "Papunta 'to sa commercial garden nila. Itong mga puno, kami ang nagtanim nito ng mga kinakapatid ko. 800 square meters lang naman itong area. Ngayon, malalaki na kami, malalaki na rin itong mga puno. But before, noong wala 'tong mini forest na 'to, nakakadaan pa ang sasakyan dito."

"Wala bang ibang way papunta roon sa garden?" tanong ni Divine. "Hindi ako nagko-complain, ha? Curious lang kasi kung commercial 'yon, meaning may mga dumadayo."

"Yes. Iikot ka ng dalawang municipality bago makarating doon sa kabilang entrance."

"Wow, ang layo."

"Gusto sana kitang dalhin sa ancestral house nina Ninang Mel, kaso hindi kasi tayo maaasikaso roon, lunch time na rin kasi."

"Okay lang. Ang sarap nga ng hangin dito, parang gusto kong magkabit ng duyan sa puno tapos tulog lang ako maghapon, hahaha!"

Nakapamulsa lang si Eugene habang naglalakad sa tabi ni Divine na paugoy-ugoy naman sa puwesto nito. Tama rin ang sinabi nito na masarap ang simoy ng hangin doon dahil maraming puno. Patag naman ang daan at ginawa talaga para daanan dahil may kawayang bakod pa sa mga gilid bago ang mismong lugar ng mga puno. Hindi naman iyon ganoon katagal lakarin kaya wala pang sampung minuto, nasa labas na sila ng maliit na gubat at bumungad doon ang flower garden na marami nang tao pagdating nila.

Umikot pa sila ng daan na hinaharangan ng mga kawayang bakod bago nakarating sa back door ng hardin.

"Oh! This is awesome!" masayang sabi ni Divine nang magulat sa naabutan.

Parang may piyestahan doon sa dami ng banderitas. AUTHORIZED PERSONNEL ONLY ang nakalagay na tag sa kahoy na pintong binuksan ni Eugene.

"Gene!" biglang bati ng may-edad na lalaking may dalang malaking kaserola na nilutuan ng nilagang baka.

"Hi, Tatay!" masayang bati ni Eugene.

"Sa likod kayo dumaan?" tanong nito.

"Yes po!" nakangiting tugon ni Eugene at hinawakan sa tuktok ng ulo si Divine. "Asawa ko po, si Divine."

"A! Siya ba? 'Musta, madame?"

Hindi na bumati pa si Divine nang lampasan sila ng tinawag na tatay ni Eugene.

"He's Tatay Marco. Isa siya sa mga cook dito. Specialty niya ang soup—kahit anong soup—pero favorite kong luto niya, yung bulalo," kuwento ni Eugene nang magtuloy-tuloy sila ng lakad ng asawa papasok sa hardin. "Meron siyang timpla for me ng bone marrow. Medyo expensive lang ang request ko lagi, but it's worth the price. Hindi naman ako araw-araw kumakain n'on."

Hindi madaling masasabi ni Divine na mamahaling restaurant ang pinuntahan nila. Marami kasing kumakain na mukhang napadaan lang o di kaya'y nakapambahay. May tatlong dining area ang garden. Ang dining area sa labas ay lupa pa rin ang pinakasahig. Patag iyon at tuyo, nakalilim ang mga kumakain sa magkabilang gilid. Ang kanan ay may bubong na gawa sa palapa ng niyog, at ang kabila naman ay dinisenyuhan ng makakapal na banderitas. Ang bahay na pinaglulutuan naman ay sobrang laki para sa bahay na may kahoy na pader.

Ten Times WorseWhere stories live. Discover now