Chapter 8

573 30 1
                                    


Noong nalaman ni Eugene na may Bipolar Disorder si Divine, umasa na siya ng mas detalyadong medical history nito dahil mayaman naman ang pamilya nito. Pero naririnig pa lang niya ang sinasabi ni Divine, gusto na lang niyang kuwestiyunin ang lahat ng mga kasama nito sa bahay para itanong kung bakit ganoon ang ikinukuwento nito sa kanya.

"Pagdating sa mood, kailan ka okay? O kailan ka hindi okay?" tanong ni Eugene at sinusubukan nang ipunin ang lahat ng dapat niyang i-consider para sa mapapangasawa.

"Ganitong morning, eto talaga ako. Ganito ako . . . na yung pinaka . . ." Tumingin pa sa itaas si Divine para piliin ang isasagot. "Normal."

"Normal," ulit ni Eugene. Napangiwi siya nang maisip na para lang siyang magbabantay ng bunso nila pero babae naman this time.

"I'm just 25, so don't expect me to act like your age. I'm still enjoying my life," depensa agad ni Divine.

"I know. So, when are you not okay?"

"Hindi ko 'yon basta masasagot," sabi ni Divine. "Reason? Recurring siya pero may mga araw na okay ako. As in, whole day, I'm like this, I'm fine, I'm doing better. May mga araw naman na whole day, ang lungkot ko. I mean yung lungkot na I'm questioning life, I'm questioning why I'm like this, and all that. Na sobrang bigat niya sa feeling, umiiyak ako whole day tapos gusto ko na lang matulog nang matulog. Minsan, gusto ko na lang mamatay; minsan, gusto ko na lang maging ibang tao. Like that. Hindi ko siya basta-basta nakokontrol."

"Yung gamot, kailan mo iniinom at ano ang effect sa 'yo?"

"Yung ilang gamot ko, binigyan ako ng selective serotonin reuptake inhibitor (SSRI). Antidepressant 'yon. Yung isang gamot na iniinom ko dati every morning, 'yon ang alam na gamot ng parents ko since I was seventeen, pero natapos na kasi ang schedule ng pag-take ko n'on na alam nila. Ininom ko ulit siya for one week noong twenty ako. A month after ng kai shao natin. Then noong nagpa-check na ako sa center, iba nang pangalan ng gamot ang ibinigay nila sa akin, pero same na SSRI pa rin siya, ang purpose naman n'on ay i-treat ang ilang panic attacks ko."

"Panic attacks? What do you mean by panic attacks?"

"Nati-trigger ang panic attacks ko kapag umuulan tapos nababasa ako ng ulan," kampante pang sagot ni Divine na hindi alam ni Eugene ang ire-react.

Umaga pa lang, pero nakakalimang page na siya sa notes niya sa phone. At hindi pa sila tapos ni Divine mag-usap. Nasa lobby na sila ng Marriott at late ang papa nito dahil naabutan din ng mas malalang traffic. Nandoon lang sila ni Divine sa isa sa mga couch para sa mga bisita ng hotel, katapat ang mesa kung nasaan ang ilang gamit nilang dalawa, at ilang minuto na ring nag-uusap.

Binalikan ni Eugene ang una niyang notes at ni-review iyon mula page 1 hanggang page 5.

"Okay, um, nati-trigger ang panic attack mo kapag nauulanan ka," ulit ni Eugene na mabilis na tinype sa phone ang keywords para doon. "Okay lang bang itanong kung paano 'to nangyayari? How would I know kung inaatake ka na pala?"

"Hmm . . . para siyang may stages, e," sagot ni Divine. "Like, at first, manginginig lang ang kamay ko. Hindi siya mahahalata kasi, di ba, kapag malamig, parang normal reaction lang ng katawan lamigin."

"Yeah," pagtango ni Eugene at nino-note agad ang sinasabi ni Divine.

"Manginginig ang kamay ko, then most of the time, nagkakaroon ako ng hallucinations. May maririnig ako, pero yung mga nasa paligid ko, wala naman. Meron akong makikitang blurry figure pero wala siya in reality."

Natitigilan si Eugene sa pagta-type sa phone habang inaanalisa ang sinasabi ni Divine. Hindi niya maiwasang tingnan ito habang nagpapatuloy ito sa sinasabi.

Ten Times WorseWhere stories live. Discover now