Chapter 28

444 37 1
                                    


Hyper na naman si Divine kaya kahit hatinggabi, nasa kalsada sila ng asawa niya at naglalakad-lakad. Loob pa rin naman iyon ng farm ng mga Vizcarra at balak nilang dumayo sa may fountain kung saan ikinasal ang mga may-ari ng lugar.

Nagpasabi naman na siyang hindi siya makakatulog agad kapag manic siya. Ayaw rin niyang patulugin si Eugene dahil wala siya sa bahay niya at wala siyang guwardiya. Sinabi na rin niyang baka nga magtakas siya ng kambing at seryoso siya roon kaya sineryoso na rin ni Eugene ang sinabi niya.

"Parang uulan," puna ni Divine dahil biglang naging maulap pagdating ng alas-dose ng gabi.

"Malakas ang hangin, baka mawawala rin 'yan maya-maya," sabi ni Eugene. "Malinis naman ang langit kanina."

"Alam mo, dati, favorite ko every time na umuulan," kuwento ni Divine habang nakatingala sa langit. "Ano'ng best memory mo na associated sa pag-ulan?"

"Hmm . . ." Napaisip naman doon si Eugene.

"Kasama ba diyan ex mo?"

"Grabe naman talaga," nagtatampong sabi ni Eugene nang lingunin ang asawa niyang tinatawanan lang siya.

"Ano nga? Kiss under the rain, gano'n?"

Umiling agad si Eugene. "Ayaw niya n'on. Marumi raw kasi ang ulan sa Manila because of the pollution kaya kadiri makipaghalikan under the rain."

"Pfft! Hahaha! Ang consistent ng pagiging boring n'yo talaga. Bigyan ko kaya kayo ng medal bilang perfect boring couple?"

"Bakit ba boring ka nang boring diyan? Dream mo ba 'yang kiss under the rain?"

"Um . . ." Nag-isip si Divine, tumingin pa sa itaas habang himas-himas ang baba. "Somehow. Parang dream ng hopeless romantic self ko dati."

"But now?"

"Ngayon kasi, may fear na ako sa ulan, so parang malabo nang slight na maging dream pa 'yon na gusto ko talagang mangyari."

"Fear . . ." Tumango-tango si Eugene. "Saan galing ang fear? Okay lang bang ikuwento or sensitive topic siya for you?"

"Puwede namang ikuwento. Inamin mo naman na kung sino ang ex mo, so para quits tayo."

Napatango-tango si Eugene kahit sa loob-loob niya, gusto na niyang malaman ang sagot doon agad-agad.

"No'ng twelve kasi ako . . ."

Napakuwenta agad si Eugene sa utak at biglang naalala ang nabasang article thirteen years ago ayon sa research nila ni Clark.

". . . hindi pa aware sina Papa na may problema ako sa utak. Parang ang tingin lang nila sa condition ko, tantrum. Nag-iinarte. Spoiled kaya biglang iiyak o magiging hyper without any reason. You know? Wala kasing history sa family nila na may ganitong condition kaya hindi rin sila familiar sa symptoms."

"Okay," sabi ni Eugene, simpleng tugon lang para masabing nakikinig siya.

"Since hindi nga sila familiar sa symptoms, hindi ako na-treat agad. Kasi parang nasanay sila na ang bata, maarte naman talaga madalas, unless didisiplinahin na torture, ganyan. Sina Papa kasi, hindi sila in favor sa discipline na papaluin. Yung mga lola ko kasi, gano'n sila. Kapag may ginawa kang mali, papaluin ka ng stick. Si Papa, ayaw niya n'on. Sobrang spoiled ko kay Papa ever since I was a kid."

"Reasonable naman si Uncle Jun," tugon ni Eugene.

"Tapos one day, Grade 8 ako nito, parang ibinubulong ng utak ko na gumawa ako ng masama," kuwento ni Divine at paikot-ikot ang kamay niya sa gilid ng ulo katapat ng tainga. "Ang creepy, di ba? Parang may schizoprenia ako."

Ten Times WorseWhere stories live. Discover now