Chapter 34

434 26 0
                                    

Hindi talaga matahimik ang mag-inang Melanie at Damaris kaya tinangay talaga nila sina Aki at Carmiline sa mango farm ng mga Vizcarra. Ang sabi nila, dinner at inuman. Umoo na lang din ang dalawa bilang pakikisama sa may-ari ng farm habang naiwan naman sa main house sina Mat at Will para kausapin sina Luan at Ikay tungkol sa kasal.

Nasa mahabang mesa sila nagkakatuwaan. Magkatabi sa dalawang dulong upuan sina Aki at Carmiline. Nakakalat naman sa mahabang gilid sina Melanie, Damaris, Cheesedog, Connor, Rex, Clark, at si Kyline na kahit ayaw pasamahin ni Leo ay nangulit para lang maka-bonding ulit ang inasahan pa naman niya noong mamanugangin.

"Mas gumuwapo ka talaga ngayon, Aki," kinikilig na pansin ni Melanie habang namamapak ng inadobong mani.

Natawa tuloy ang lalaki. "Thanks, Tita."

"Kailan ang wedding n'yo, Chamee?" malambing na tanong ni Kyline kahit may kaunting lungkot doon.

Ngumiti naman si Carmiline kay Kyline. "Plan namin ni Aki, next year. Late March, isasakto sa pag-bloom ng mga cherry blossom doon."

"Wow . . ." Nagningning agad ang mga mata ni Kyline habang nakikinig kay Carmiline. "That's so pretty naman."

"Invited ba kami?" tanong agad ni Melanie sabay bato ng mani sa loob ng bibig.

"Si Mat ang magse-send ng invitation, Tita," sabi ni Aki. "We're planning na sa Kyoto ang location. Nagpapa-schedule na kami ng reservation for the photoshoot."

Nakangiti pa rin si Kyline at masaya para kay Carmiline kahit pa hindi niya anak ang pakakasalan nito. May pait man doon, pero nagpapasalamat siyang masaya naman ito sa lalaking napiling makasama habambuhay.

"Paano kayo naging mag-jowa?" usisa ni Melanie. "I mean, paano nag-start? Sa work? Na-develop na lang bigla? Love at first sight?"

"Hahaha!"

Nagulat silang lahat nang biglang matawa si Aki. Nagtakip pa ito ng bibig gamit ang kamao sabay iling. Sumisimangot na lang sa kanya si Carmiline na hindi rin yata gusto ang pinagtatawanan niya.

"Honestly, it was far from love at first sight," natatawang kuwento ni Aki. "First kaming nag-meet sa book and movie festival sa France. But I only knew her as one of the attendees. Nakamayan ko pa siya at that time. Casual meeting, like that. Meron kaming picture—group pic—na nasa dulo ako and nasa middle siya, kasama namin ang production team ng next project na magkasama na naming hahawakan."

Tumango-tango naman sila sa kuwento ni Aki at matamang nakinig.

"Sa sobrang dami ng staff and executive sa project, you wouldn't notice or, at least, meet all of them. Love at first sight? I don't think so." Umiling pa si Aki para klaruhin ang tungkol doon. "Actually, part kaming dalawa ng brainstorming team, we were tasked to do the concept design and all sa isang specific project..." Saglit na huminto si Aki at napapangiting nilingon ang katabi niyang masama na ang tingin sa kanya. "Hahaha! It was a cute history, dear. Come on."

"Ikaw lang ang naku-cute-an," nakasimangot na sabi ni Carmiline.

"Hahaha! At least, cute." Ibinaling agad ni Aki ang tingin kina Melanie saka nagpatuloy ng kuwento. "Her team was tasked to do the character designs, the background concepts, the animation styles, et cetera based sa request ng media na magre-release ng concept namin. Our tasked was to provide the material kasi kami ang original creator ng gagamiting concept."

"A, so parang collab," sabi ni Clark.

"Yes, Tito, exactly. Tatlo kaming nagha-handle ng developments ng project na 'yon," sagot ni Aki. "During the brainstorming, Carmi had already approved everything sa end ng team niya sa visual developments. Unfortunately, pagdating sa mga big boss, they didn't want to stick to the source material because of the branding of the main producer and some themes na hindi balak i-risk ng executive producers and financers. Gusto nilang ipa-revise sa amin sa story development ang almost 80 percent ng storyboard. Nag-clash kaming dalawa because sayang ang lahat ng effort naming sa brainstorming kung magre-revise lang din pala."

Ten Times WorseWhere stories live. Discover now