Itinuro ni Aki ang sarili niya at si Carmiline na natatawa na lang kahit naiinis sa kuwento niya. "She listened to the executives, pinare-revise, nawawala ang essence ng source material. It was literally a different concept na sobrang layo sa original concept namin. And my author unexpectedly pulled out the storyboard, haharap na lang daw kami sa lawsuit. Kinuha niya lahat ng records, ng drafts, ng source material—lahat." Natatawa niyang itinuro si Carmiline sa tabi. "That was the day na unforgettable for the both of us kasi ginigisa kami ng mga big boss, and Carmiline was shouting all the way from the elevator area hanggang sa office ko."

Gumawa ng linya paharap si Aki gamit ang palad habang nagkukuwento. "She was storming across the floor, yelling, 'Yamada!' She was cursing in four languages, she was complaining na bakit disapproved lahat ng proposals ng team niya, bakit may magpu-pull out ng storyboard, bakit nawawala ang files ng projects, everything. She was cursing in French, she was yelling in German, then bigla siyang nag-Nihongo, and tuloy-tuloy siyang nag-Batangueño. And only a few of our employees understood her kasi wala siyang nabanggit na English aside from the terms ng complain niya. So, hindi aware ang mga nandoon na nakakakita sa kanya kung ano ang mga sinasabi niya since not all of them knew how to speak more than two languages."

"Your author stole our drafts, Danna," sagot ni Carmiline sabay paikot ng mata. "Ten frames pa lang, sobrang hirap nang gawin. What more yung kinuha niyang 900 frames?"

"Gano'n talaga, dear. We can't predict how emotional authors will act if nasa ganoong situation sila," paliwanag ni Aki.

"So, nag-away kayo?" tanong ni Clark na nakikipapak na ng mani kay Melanie.

"Away na hard feelings talaga, yes," sagot ni Aki. "Although I was able to relate to Carmiline's perspective right away. Umpisa pa lang kasi, yung mga story artist, nagsisimula na silang gumawa ng draft. So, while we brainstorm; they do their rough draft using pen and paper talaga. Real time silang nagdo-draw as we talk. Real time din ang revisions or suggestions. Kaya naiintindihan ko naman ang anger level ni Carmiline at that time kasi lahat ng pinaghirapan ng team niya, kinuha ng author."

"Hala, grabe naman . . ." side comments ni Melanie. "Ano'ng ginawa n'yo sa author? Pinakulong n'yo?"

"That was one of our struggles, Tita, kasi willing humarap sa lawsuit ang author, but then again, wala sa contract na malaki ang magiging revision ng original storyline niya," kuwento ni Aki sabay turo kay Carmiline. "She hunted my author because of that!"

Sabay-sabay silang napatingin kay Carmiline at matipid ang ngiti sabay tingin nang masama kay Aki.

"Hahaha! But you really did!" sabi pa ni Aki.

"He stole our works, and we needed that."

"But we really didn't," nakangiting tugon ni Aki saka tiningnan ang mga kasama nila sa mesa. "She hunted my author. The thing was sobrang introvert ng author ko. Nakuha ko lang kasi siya randomly sa street and nag-offer ako ng part-time job. For the second time, pinuntahan ako ni Carmi sa office only to warn me na kapag nakita raw niya ang author ko, pag-uuntugin niya kaming dalawa pagbalik niya sa office."

"Hahahaha!" Biglang halakhak si Melanie at halatang natutuwa na sa kuwento ni Aki.

"I thought that was all. Pero bumalik siya, hatak-hatak na yung coat ko kasi alam ko raw kung saan nakatira ang author ko kaya dalhin ko raw siya d'on."

"And he was yelling across the floor, 'Tasukete! Keisatsu o yonde kudasai!' (Help me! Please call the police!)" natatawang dugtong ni Carmiline. "You're six feet five and I was only five feet ten! You can drag me any time tapos ikaw pa talaga ang humingi ng tulong?"

"I'm a nice guy, though," sabi ni Aki sabay taas ng magkabila niyang kamay para sabihing inosente siya. "But yeah! It was two in the afternoon, nasa biyahe kaming dalawa to find that author na kumuha ng files ng production. It was a roller-coaster adventure, for real, kasi hindi namin ma-trace yung author ng original storyboard."

"We went to three provinces pa," dagdag ni Carmiline. "And I told Hideaki, I will not waste my remaining time finding that asshole kasi two days na kaming naghahanap. Ang deadline naming ng pagpasa ng new proposal for the storyboard, fifteen days na lang, less that two days."

Sumabad si Aki. "She said, hindi siya uuwi nang wala siyang mapapala. So, she decided na siya na lang daw ang gagawa ng rough sketches, ako ang mag-isip ng storyline. Unfortunately, walang writer sa aming dalawa, so I suggested na . . ."

"Wala kang sinuggest," putol sa kanya ni Carmiline.

"Meron."

"Wala. Ang suggestion mo, umuwi na lang tayo kasi nagugutom ka na. As if namang hindi ka kumakain kada stop natin per kilometer!" singhal ni Carmiline sa fiancé niya.

"Hahaha! Of course, when you're hungry, eat!"

Si Carmiline na ang nagtuloy sa sinasabi kanina ni Aki dahil diskumpiyado siya sa balak nitong ikuwento sa mga kasama nila. "He suggested na umuwi na kami, and I told him na mag-research na lang muna kami for the materials. Materials mean yung mga inspiration or pagkukunan ng concept. So we traveled across those provinces for the materials. Dumaan kami ng mga festival, sa mga shrine, anywhere kahit walang tourist spot. Naligaw pa kami sa gubat. Aki was documenting everything using his phone. I was sketching sa notebook using a cheap pen na binili namin sa isang shop malapit sa bus stop. Doon nag-start, I guess. Six days na siya lang ang kasama ko buong araw. It's a miracle na hindi pa ako nagsasawa sa mukha niya."

"Unless, crush mo na 'ko dati pa, in denial ka lang," biro ni Aki sabay kindat sa katabi niya.

Bored lang ang mukha ni Carmiline nang sukatin ng tingin ang fiancé niya. "Talaga ba, Yamada?"

"Hahaha! Ang sarap mo talagang asarin." Bahagyang napaurong sa kanan si Carmiline nang kurutin ni Aki ang pisngi niya. "Kawaii desu ne."

Tinitingnan lang nina Melanie sina Aki at Carmiline, at hindi nila masasabing walang totoo sa mga kilos ng mga ito. Masaya si Aki at mas komportable ang kilos ni Carmiline kapag kasama ito. Mas masaya na rin ang ngiti nito kaysa noong huli nila itong nakita na kasama si Eugene.

"Kuya Aki," tawag ni Cheesedog.

"Hmm?" tugon ni Aki sa anak ni Clark.

"Ano yung film na nagawa ninyo ni Ate Chamee kapalit ng ninakaw n'ong author?"

"Ah . . ." Biglang napatango si Aki dahil mukhang invested pala si Cheesedog sa kuwento nila. "Ang title ng film is 'Koi No Yokan'. That means a premonition of love. Compared sa Western na love at first sight ang saying; sa koi no yokan, it wasn't love at first sight, but you knew that you will fall for that person soon." Sabay ngiti niya kay Carmiline na ginantihan din nito ng ngiti at mahinang itinulak ang pisngi niya para pailagin sa pagtingin dito.

Sa mismong mga oras na iyon habang nakatingin sa dalawa, tinanggap na nila ang katotohanang iba na ang pinag-iikutan ng buhay nina Eugene at Carmiline, at gusto na lang nilang maging masaya para sa dalawa kahit hindi na sa piling ng isa't isa.


♥♥♥

Ten Times Worseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें