CHAPTER 16

5 0 0
                                    

LUNA'S POV



"Sino po ito?" tanong ko sa tumawag sa akin.


"This is SPO4 Bryan Ramos, nalakad na po namin ang mga papeles na hinihingi niyo para ipahukay ang bakanteng lote." 


"Talaga? Kailan pwedeng isagawa para makapunta kami?"


"Hinihintay lang po ang approval niyo para masimulan na." 


"Sige, hukayin niyo na para pagdating namin ay tapos na kayo."


"Copy, Ma'am." 


"Pero hindi ba kayo matatagalang hukayin iyan?"


"Hindi po ma'am, sa di malamang dahilan ay mayroong maraming mga stick ang nakatusok dito na panigurado ay palatandaan kaya't alam po namin kung saang banda ang huhukayin namin."


"Sige, hintayin niyo kami ni Chief." Nang ibaba ko ang tawag ay hindi ako nag-aksaya pa ng oras at dali-daling nagpunta sa office ni Cloud.


"Can you please leave in my office?" rinig kong sabi niya mula sa labas ng pinto. I wonder kung sino ang kausap niya at mukhang mainit ang ulo niya.


Kumatok ako para hindi ako makaistorbo kahit nakasanayan kong pumapasok na lang basta-basta.


"Come in," 


"Clo---" natigilan ako nang makita ko kung sino ang pinapalabas niya.


"Angel, you don't need to knock, remember?" Gumaan ang ekspresyon ng mukha ni Cloud nang bumaling siya sa akin.


"Inspector Salvador, please leave us." Hindi siya sumagot at pinaikot ang mata niya bago padabog na lumabas. Nang makaalis siyang tuluyan ay lumapit ako sa table ni Cloud.


"Cloud, tumawag na si SPO4 Ramos sa akin, naaprubahan na ang pagpapahukay natin sa bakanteng lote at ngayon na nila iyon huhukayin. Are you coming with me?"


"Of course, tinatanong pa ba 'yan? Anyway, i-inform na ba natin si Mia about this?" Sandali akong nag-isip-isip bago magsalita.


"Mas mabuting huwag muna hangga't wala pa tayong nakukumpirma. Di naman natin sigurado kung ano ang matatagpuan natin sa lugar na iyon."


"So, we're off to Cavite?"


"Yes, let's go."




Clues: The answers may be found.


I bring voices from afar, You hear them no matter where you are. What am I?

In Pursuit of Truth: Unmasking the UnderworldWhere stories live. Discover now