CHAPTER 12

9 0 0
                                    

LUNA'S POV



Hindi ako mapakali dahil parang kanina pa ako iniiwasan ni Cloud dahil sa tuwing pupunta ako sa opisina niya ay napaka-formal niyang kausapin ako.


Muli akong bumalik sa opisina niya dahil hindi ako makapagtrabaho sa nagiging pakikitungo niya sa akin.


"Cloud," tinignan niya lang ako sandali na parang binabasa ako bago magsalita.


"What is it?"


"I-I'm just wondering if we're okay. Y-You know, hindi ako makapagtrabaho nang maayos because I feel like we're not okay." Bumuntong hininga siya bago magsalita.


"Yes, we're okay, back to work na muna. Saktong-sakto dahil balak talaga kitang ipatawag dahil may na-confirm na muli ang ating mga taga-imbestiga sa kinaroroonan ni Bernardo Gomez na siya sa pangalawa sa confirm list natin. Kailangan maging maayos ang planong isasagawa natin para hindi maulit ang nangyari kay Bautista." Naupo ako sa upuan sa harap niya bago magsalita.


"Are you coming?"


"Yes, may bago ba do'n?" Nagkibit-balikat lang ako bago muling magsalita.


"Saan natin siya matatagpuan?"


"Sa isang abandunadong building malapit sa Luneta Park. Do you have any suggestion paano natin siya dadakipin bago natin pulungin ang mga pulis na sasama sa atin?"


"Hindi ko na alam, bukod sa i-secure natin yung area ay wala naman na ako maisip na iba dahil kailangan maging maayos baka kung hindi siya patayin ng mga kasapi nila ay magpakamatay siya sa sarili niya." Kumunot ang noo niya at pagkatapos ay sumandal sa swivel chair niya.


"Do you think he's that stupid to take his own life just to protect that damn organization?"


"Hindi ka naman na bago sa serbisyong ito, kung usapang loyalidad lang ay mga ganoong klaseng tao talagang handang isakrpisyo ang sarili nila para sa iba. I don't think that is stupid, magiging stupid lang ang pagsa-sacrifice ng buhay para sa isang tao kung ang tao naman na 'yon ay masamang tao at ayaw magbago pero kung ang taong 'yan ay malapit sa iyo at taong sabihin nating mabuti, hindi pagiging stupid iyon dahil pagmamahal ang tawag do'n." Natahimik siya sa sinabi ko. Akmang magsasalita pa siya nang may kumatok sa pinto ng office niya.


"The General is here, Chief." Nagkatinginan kaming dalawa at nanglaki pa ang mata ko nang makita ko ang Ama ni Cloud na nasa likuran lang ng pulis na nag-inform sa amin. Sabay kaming sumaludo at nang pumasok sa office ang Ama ni Cloud ay umalis naman ang pulis na nag-inform sa amin.


"So, ano na naman ang ginagawa niyong dalawa?"


"Pinag-uusapan po namin ang tungkol sa dadakipin namin ngayon na si Gomez at wala na pong iba, Sir." Napatango-tango siya sa naging sagot ni Cloud.


In Pursuit of Truth: Unmasking the UnderworldWhere stories live. Discover now