CHAPTER 14

4 0 0
                                    

LUNA'S POV



"Let's all welcome, Inspector Venus Lexi Salvador, she would be under Senior Inspector Sanchez management." Hindi ko mapigilang kumulo ang dugo ko nang makalapit siya sa akin para saluduhan ako at si Cloud na siyang nagpakilala sa kaniya.


Hindi ko alam kung ang dahilan ba ng pagkulo ng dugo ay yung mga petty fights namin noong nasa Crim School pa kami or yung nakita kong magkasama sila ni Cloud nang isang araw


"Back to work, everyone." Halos magkakasabay ang naging paglalakad namin ni Cloud at Venus dahil magkakalapit ang opisina namin.


"Cloud, can we hangout again later?" Nagpipintig ang tenga ko sa kaartehan talaga ng babaeng 'to. Hinarap ko silang dalawa at direktang tinignan si Venus kahit pa nararamdaman ko ang maiinit na tingin na ipinupukol sa akin ni Cloud.


"Inspector Salvador, for your first work today, there's an accident near Quezon City Circle. Pumunta ka sa lugar na iyon at imbestigahan ang nangyaring aksidente. Pangunahan mo ang mga pulis na nauna ko nang ipinadala roon." Pinaikot niya ang mga mata niya at mukhang walang balak na sundin ako.


"Lun---"


"Senior Inspector Sanchez, I'm you superior and that's an order." Pagputol ko sa sasabihin niya kanina.


"Be right back, Hon," 


"Eww," pabulong na wika ko pero mukhang narinig ni Cloud dahil umangat ang mga sulok ng labi niya. Umalis na si Venus kaya't dalawa nalang kami ni Cloud na naglalakad pabalik ng opisina.


Arghhh! I really don't understand this man.


Ikaw din naman magulo ka.


Hindi ko na pinansin pa ang pumapasok sa isip ko at sa halip ay nagdire-diretso na ng lakad.


"Angel,"


"What?" paangil na sagot ko. Hindi ko alam pero gusto ko ibuntong sa kaniya ang init ng ulo ko kay Venus. Nakakapikon silang dalawa.


"Nothing, just stop being mad at me." Tila binuhusan ako nang malamig na tubig nang magdire-diretso siya matapos niya iyon sabihin. 


"Good day, Ma'am," bati ng isang police officer na nakapagpabalik sa akin sa realidad.


"Can you call SPO4 Santos and tell him, I need him in my office." Tumango siya at umalis na sa harapan ko. Hindi ko na sinundan si Cloud sa halip ay pumasok na ako sa opisina ko.


Sa dami-dami namang maa-assign sa department namin ay si Venus pa. Kumukulo na dugo ko sa kaniya noon at lalo pang kumulo sa nakita ko nang isang araw. Of all people talaga, si Venus pa?



"Andyan na si sugar baby," napalingon ako sa narinig kong bulungan.

In Pursuit of Truth: Unmasking the UnderworldWhere stories live. Discover now