CHAPTER 9

6 1 0
                                    

LUNA'S POV


Pinagpahinga muna ako ni Cloud kahapon dahil daw nabaril ako kahit daplis lang naman ang tama ko. Ngayon ay nagpe-prepare na ako para pumunta ng Department nang may nag-doorbell sa bahay ko. Walang pagdadalawang isip na lumapit ako sa pinto para buksan iyon at nagulat ako sa taong iniluwa ng pintong iyon.


"What are you doing here?"


"Please, Luna, pag-usapan naman natin 'to, I'm so sorry sa inasal ko." Kita naman sa mga mata niya ang pagsisisi pero nanatili akong tahimik. "Sorry, I made you feel that way. Wala akong karapatan sabihin lahat ng mga sinabi ko kaya sana mapatawad mo ako Luna."


"Hindi naman ako mapagtanim ng galit at sama ng loob Kage at saka kaibigan kita pero please lang huwag mo na iyong uulitin lalo na sa harap ni Cloud. Huwag mo rin sanang isusumbat sa akin kung ano man ang itinulong ng pamilya niyo sa akin, oo at malaki ang utang na loob ko sa inyo pero huwag sana maging dahilan iyon para pwersahin mo ako sa mga bagay-bagay na papabor sa iyo. Sabi nga sa akin ni Cloud, hindi ko naman hininging itulong niyo sa akin ang bagay na iyon at kusa niyo iyong binigay." May nakita akong dumaan na inis sa mga mata niya pero naikubli naman niya nang mabilis kaya hindi ko na pinansin pa.


"Hindi ka na galit sa akin?"


"Hindi na, pero hindi ko na kaya makipag-usap pa nang matagal kasi male-late na ako sa shift ko." 


"Sige pero gusto ko lang itanong kung pwede ba tayo lumabas or mag-hang out man lang? Lately, I've been so stress kaya sa iyo ko siguro na ibuntong pero mali iyon at hindi ko jina-justify yung ginawa ko pero okay lang ba?" Binasa kong maigi ang nasa mata niya at mukhang pinagsisisihan naman niya and wala namang mali kung sasama ako sa kaniya.


"Sure, I'll text you nalang kung kailan ako available. Probably, tomorrow night." 


"Thank you, babe." Ngumiti lang ako sa kaniya at tinanaw siya hanggang makaalis siya sa paningin ko bago ko isara ang pinto.


Two timer.


No, I'm not. He's just my friend, that's all.



NANG makarating ako sa department ay naabutan ko pa ang isang dalaga na nakaluhod sa harap ng mga pulis at pilit siya nitong inaawat. Walang pagdadalawang-isip na nilapitan ko ang dalaga.


"I'm Senior Inspector Sanchez, bakit ka nakaluhod diyan?" Mahinahong tanong ko sa dalaga at inilahad ko pa ang kamay ko.


"Inspector, nagmamakaawa ako, tulungan niyo po ako malaman kung ano nangyari sa mga magulang ko. Ilang araw na silang hindi umuuwi at hindi namin ma-contact." Tila bumalik sa akin ang pinagdaanan ko nang mawala nalang bigla ang magulang ko.


Umupo ako upang makatapat ko siya at kita ang pag-aalangan ng mga pulis na nakakasaksi sa ginagawa ko.


"Tumayo ka na, I'll help you." Kita ang pagkagalak sa mukha ng dalaga.


In Pursuit of Truth: Unmasking the UnderworldWhere stories live. Discover now