CHAPTER 6

8 1 0
                                    

LUNA'S POV


"Ang sabi mo sa akin Luna nung nakaraan kaya ka hindi makakasama sa akin ay dahil may urgent things ka na kailangan gawin. Then guess what I found out, may kasama kang guy." Napahilot ako sa sintido ko dahil kanina pa ako inaaway ni Kage dahil sa naging pagkikita namin ni Cloud nung nakaraan.


"Kage, please lang, pagod ako, ayoko muna makipagtalo." Ilang araw man na ang lumipas mula nang mamatay si Bautista ay pakiramdam ko'y pagod na pagod pa rin ako tapos ngayon sisigawan pa ako ng taong 'to.


"Ang sa akin lang hindi mo kailangan magsinungaling."


"Totoo naman sinabi ko na para yon sa trabaho ko dahil utos iyon ng chief ko. He wants me to spend time with him so what's the problem with that?" Hindi ko alam ang patutunguhan ng usapan namin na ito.


"Utos niya sa'yo? Sino naman siya para utusan ka ng ganoon?"


"Teka nga! Wala naman kaming ginawang mali at isa pa, kailangan ko ba talagang magpaliwanag sa'yo? Okay, kasalanan ko na hindi ko nalinaw ng maayos ang gagawin ko ng oras na iyon pero tingin ko naman wala kang karapatang kuwestiyunin kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko? Tama?" Halo-halo ang emosyon na nakikita ko sa mga mata niya habang nakatingin sa akin na nakaupo pa rin sa sofa.


"Oo nga pala, wala akong karapatan."


"Please, Kage, I've had enough sa week na ito, huwag ka munang dumagdag utang na loob saka gabi na gusto na magpahinga ng isip ko."


"Ano, Luna? Gano'n gano'n nalang? After everything I did just to help you?" Tila sinampal ako ng realidad sa mga sinabi niya. Hindi ko nga naman mararating ang kung nasaan ako ngayon kung hindi ako tinulungan ng pamilya niya.


"I know that Kage, but still may kalayaan naman ako kung ano ang gusto kong gawin. For now, I just want to take a rest dahil bukas may trabaho ulit ako. Kailangan ko ng lakas para harapin ang panibagong araw na darating kasi kung hindi baka bumigay na ang isip ko sa lahat ng nangyayari. So, I'm asking you respectfully, can you please leave me alone, just for now?" Hindi siya nagsalita pero nagdire-diretso siya palabas kaya napabuntong hininga nalang ako. 


Humiga ako at tumingin sa kisame at nag-isip-isip. Am I being ungrateful? Wala ba akong utang na loob sa ginawa kong pagpapaalis sa kaniya? Ilan lamang iyon sa mga isipin na patuloy gumugulo sa aking isip. Ilang beses ko man sikapin i-distract ang sarili ko pero puro iyon ang tumatakbo sa isip ko. Naagaw lang ang pansin ko nang tumunog ang doorbell sa bahay ko. Padabog akong tumayo at nagpunta sa pintuan para buksan ito.


"Di ba sabi k---" Natigilan ako nang makita ko kung sino ang taong nakatayo sa harap ko. "A-ano'ng ginagawa mo rito?"


"Nothing, just want to visit you and make sure you're fine. Alam ko na kahit ilang araw na nakakalipas ay binabagabag ka pa rin. I also bring ice cream, kainin na natin baka matunaw." Pinigilan kong sumilay ang aking ngiti sa mga tinuran niya. My 'love', I mean Cloud never failed to make me feel happy.


"Tara, pasok ka." I don't know bakit tila napawi ang pagod na nararamdaman ko nang dumating siya. 

In Pursuit of Truth: Unmasking the UnderworldWhere stories live. Discover now