CHAPTER 10

7 1 0
                                    

LUNA'S POV



"Saan mo ba kasi gustong magpunta?" tanong ni Kage na siyang kasama ko ngayon. Wala kasi akong trabaho ngayon at ewan ko ba sa taong ito at naisipan mag-aya sa katanghaliang tapat.


"Ewan ko ba kasi sa iyo, ang init-init naisipan mong lumabas. Kahit saan basta hindi mainit." 


"Sige, mag-restaurant nalang tayo magpapa-reserve ako sa VIP section." Hinayaan ko na siya at hindi na sumagot pa. Ewan ko pero parang nabo-bored na ako kapag siya ang kasama ko.


Iba na kasi ang gusto mong kasama.


Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang kung ano mang pumapasok sa isip ko at mukhang hindi naman iyon napansin ni Kage.


Tahimik lang kami sa byahe at nagsalita lamang nang makarating kami sa Restaurant na sinasabi niya. Sa totoo lang nakakakain lang ako sa mga sosyal na Restaurant kapag si Kage ang kasama ko.


"Basta libre mo 'to ha?" Nakangising sabi ko sa kaibigan ko.


"Oo naman, tara na pasok na tayo." Maganda ang ambiance ng restaurant at may pagka-Japanese style ito kaya't lalo ako namangha.


Nang makausap ni Kage ang receptionist ay itinuro sa amin ang puwesto na naka-reserve sa amin. Nakakamangha lang dahil ang VIP section nila ay may sariling room na mayroong  video games or karaoke dipende sa gusto ng maga-avail.


Hinayaan ko lang na si Kage na ang mag-order ng kakainin namin dahil sanay na siya na kapag ako ang kasama ay siya ang pumipili ng kakainin ko. Nang makaupo siya sa tapat ko ay nagpasimula siyang magsalita.


"How's work?" Ito na naman kami, halos kapag siya ang kasama ko laging about sa work nalang ang usapan namin at nakakapagod 'yon. Gumagala nga ako para malimutan ang linya ng trabaho ko tapos puro trabaho naman ang io-open niya pero hindi ko naman iyon masabi sa kaniya.


"As usual, masakit sa ulo at nakakapagod lalo ngayon ang hirap kumalap ng impormasyon kaya hindi rin namin alam ang gagawin naming susunod na hakbang. Ikaw naman, kumusta trabaho?" 


"Well, as a Mayor there's a lot things to do. Kailangan kong isipin kung paano masosolusyunan ang pataas na pataas na krimen dito sa atin. Kailangan ko rin bigyan ng pondo at suriin ang lahat kaya nakakapagod at sobrang gipit sa oras."


"Dami mo palang ginagawa pero nasisingit mo pang mangulit." 


"Well, I can make time for you." 


Okay lang kahit hindi.


Natawa ako sa pumasok sa isip ko pero hindi ko iyon pinansin.


"Alam mo dapat mas paglaanan mo ng oras yung trabaho mo. We don't need daily conversation naman just to keep our friendship. Basta sapat na alam natin sa isa't isa that we can run to each other if things gets heavy." Dumating ang pagkain namin kaya hindi muna siya nagsalita. Nang makaalis ang nag-serve ng foods ay saka siya sumagot.

In Pursuit of Truth: Unmasking the UnderworldKde žijí příběhy. Začni objevovat