CHAPTER 13

5 0 0
                                    

LUNA'S POV


Nanginginig ang mga kamay ko nang mapadako ang tingin ko sa bagay o sabihin natin taong naging dahilan nang pagkatalisod ko.


"T-This can't be." Nilapitan ako ni Cloud para aluin pero hindi maalis ang panginginig ko habang nakatingin sa bangkay ni Gomez na nasa harap ko.


"Team, move faster." Pagkasabi ni Cloud no'n ay pinatay niya ang mic ko at ang mic niya.


"Angel, tayo na," inalalayan niya akong makatayo bago niya nilapitan si Gomez na walang buhay. Punong-puno siya ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan kaya't malabong mabuhay pa siya. Tumagas ang napakaraming dugo kaya't halos pula na ang sahig.


"He's dead, Angel." Napadako ang tingin ko sa pader ng silid malapit sa switch ng ilaw. May sulat doon na mukhang dugo pa ni Gomez ang ipinangsulat dahil pula iyon.


"We are wiser than you." Sabay naming sabi ni Cloud kaya't nagkatinginan kami.


Napadako ang tingin namin sa pinto at iniluwa no'n ang mga police officer na humahangos pa.


"Bak---" Natigilan sila sa nakita nila.


"Let's prepare him for an autopsy but most likely dahil sa mga saksak na tinamo niya ang naging dahilan ng kamatayan niya. Kuhanan ng litrato ang pinangyarihan ng krimen. Anomang mahalagang bagay na makakatulong sa imbestigasyon ay huwag niyong kakalimutan." Napalingon ako kay Cloud na siyang nagsalita.


Naglakad ako palabas habang kumikilos ang mga tao namin para ayusin ang bangkay at kuhanan ng litrato. 


Tumulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigil. Napadausdos na ako sa pader at tumingala.


"I'm so stupid." Inuntog-untog ko pa ang ulo ko sa pader.


"Angel, stop it." Napatigil ako sa ginagawa ko at nilingon ang pinanggalingan ng boses na umaawat sa akin.


"Bakit mo ba ako sinundan?" Tila nauubusan na siya ng pasensya sa akin pero hinayaan ko lang iyon.


Ikaw lang din ang masasaktan sa ginagawa mo.


Hindi ko pinansin ang mga salitang pumapasok sa isip ko.


"I'm concern about you. I know you need comfort." 


"I don't need your comfort. I already call Kage, we're hanging out." Nakita ko ang pagtalim ng mga mata niya pero pilit niyang pinapakalma ang sarili niya.


"We're not done here."


"And he's willing to wait until I'm done." 


It's a lie.


Tumalikod na siya at bumalik sa loob nang pinangyarihan ng krimen kaya't sinundan ko lang siya ng tingin. Naagaw ang pansin ko nang tumunog ang cellphone ko kaya't sinagot ko iyon.

In Pursuit of Truth: Unmasking the UnderworldWhere stories live. Discover now