13

4 1 0
                                    

·°。.*·°*.。* ·°。.*·°*.。*

Wearing my pink satin long gown and a white pumps I confidently got out of the car ng buksan ito ni Daddy. Without hesitation I smiled sweetly towards the cameras of the photographers na hindi na magkanda-ugaga na kumukuha ng picture ng buong pamilya ko lalo na ng picture ko. Well hindi na ako magtataka kung bakit nasa akin lahat ang focus nila, this is my event though. I'm the main character tonight, so I thought.

I sweetly wave at them while giving them flying kisses. Feeling celebrity ang peg ko ngayon dahil sa mga photographer na nakapaligid sakin at sa red carpet na feel na feel kong lakaran ngayon. Nasa unahan ko sila Mommy at Daddy habang nasa likod nila ako.

Ano kayang magiging reaksyon ni Evzen pagnakita niya ako ngayon? I'm excited na makita siya, na-i-imagine ko palang ang magiging reaction niya, buoo na ang gabi ko. HAHA.

Nang makapasok na kami sa main venue ng event ay kanya-kanya namang pagbati at pagbeso ang ginagawa ng mga bisitang nakakasalubong namin sa akin at kay Mommy. Kahit hindi ko naman sila kilala, siguro si Ate Serene kilala sila but me halos lahat hindi ko kilala, pero ngumingiti parin ako. Ayoko namang mag-iwan ng bad impression sa kanila, that's rude.

"Beautiful as ever Serene." A girly girl voice said kaya napalingon ako sa kaniya and nakita ko ang isang babaeng napaka-ganda at elegante. Kung titingnan ay mayaman talaga, the way she moves and acts idagdag pa ang pressence niyang nakaka-bother talaga.

Siguro kakilala siya ni Ate Serene? Mukha kasing close sila, the way she called Ate Serene's name, alam kong may pinagsamahan sila.

"Thank you." I said while smiling.

Pero nawala ang ngiti ko ng magtama ang mga mata namin at ganun din siya, 'Surprise Terrence.'

His smile turns to a serious face and his cold stares are focused on me. Looking at his reaction, I hold back a smile, sa halip I bit my lower lip and act as helpless as I could, then shake my head while looking to him na paiyak na, ng biglang nag-interfere si Mommy kaya nalipat ang atensyon ko sa kanya at kay Daddy.

"Let's go, Anak." She said at inakay na ako papunta sa pwesto kung nasaan ang pamilya nila Terrence.

Habang naglalakad kami papunta sa pwesto nila ay hindi ko mapigilang matawa, kasi naman hindi man lang marunong magpaka-plastic ang lalaking 'yun sa harap ng mga bisita. His boredom is written all over his face samantalang sila Tita at Tito ngiting-ngiti habang bumabati sa mga bisita-wait Mommy ba talaga 'yun ni Terrence? Bakit ang bata naman yatang tingnan?

"Are you nervous anak?" Tanong ni Mommy sakin at isang iling lang ang isinagot ko.

Yung totoo ako kinakabahan? Hello, bakit naman ako kakabahan? Excited pa nga ako.

In an instant nag-iba ang expression ng mukha ko, nawala ang ngiti ko sa mukha at napalitan iyon ng isang balisang expression. I lowered my head when we reached there spot.

"Samuel!" Masayang bati ni Daddy sa Daddy ni Terrence samantalang nasa likuran lang kami ni Daddy. Nang matapos magbatian si Daddy at Tito ay sumali na si Mommy sa usapan nila habang tahimik naman 'yung babae sa tabi ni Tito. Minsan ngumingiti siya but kadalasan tahimik lang siya at hindi nakikisali sa usapan. Weird.

Tahimik lang ako habang nasa likod nila Mommy, iginagala ang mga mata ko sa paligid ng biglang mahagip ng paningin ko ang papalapit nasi Terrence Fernandez sa pwesto namin kaya mas lalo pa akong nagtago sa likod nila momny at napatungo nalang doon.

"Good evening Tito, Tita." I heard Terrence's voice greet my parents, he even cleared his throat after, "Where's Serene?" He asked and a smirk form in my lips while waiting for my que.

Naninigurado ba siya? Siguro iniisip niya baka namalikmata siya kanina?

"She's here Hijo!" My mom gladly said and inalis niya ang pagkakaharang sakin. As if on que ay nawala ulit ang ngiti sa mga labi ko as I looked up to him. Nagtama ang mga mata namin, 'I'm sorry', I mouthed and smile weakly.

Lungkot-lungkutan ang peg ko ngayon, habang siya nakangiting nakatingin sakin, but iba ang sinasabi ng mga mata niya. Gulat, at pagtataka yan ang nakikita ko sa mga mata niya habang nakatingin sakin. Siguro ay nagtataka siya bakit ako nandidito at the same time gulat siya dahil nadito nga ako sa harap niya.

"They dragged me here." I mouthed to him for the sake of my act. Hindi naman siya sumagot bagkus ay inilipat niya lang ang tingin kina-Mommy at Daddy habang hindi parin inaalis ang ngiti sa mga labi niya.

Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang hindi siya plastic. Psh.

"Let's go anak, magsisimula na ang program." Mommy said then guided me papunta sa may mini stage sa gitna ng venue. Habang nauuna naman samin si Tito Samuel at Terrence.

Pagkarating namin roon ay naghihintay na si Terrence na sa pagdating namin. Inilahad niya ang kaniyang kamay para alalayan si Mommy paakyat ng stage na tinanggap naman ni Mommy. Binitawan niya lang si Mommy ng makarating ito doon sa gitna ng stage kung nasaan si Daddy at Tito.

Pinapanood ko lang si Terrence, infairness ang bait niya tingnan sa ayos niya. I cleared my throat ng makita kong nasa tabi ko na siya, pero hindi katulad kanina ngayon ay seryoso na ang mukha nito. Napabuntong hininga nalang ako at aalisin na sana ang tingin ko sa kanya ng bigla naman siyang bumaling sakin dahilan para magkatinginan na naman kami.

Hindi siya nagsalita, basta nakatitig lang kami sa isa't isa ng biglang tawagin ang mga pangalan namin. Nagpalakpakan naman ang mga guests kaya wala ng nagawa si Terrence kung hindi unang umiwas. Inilahad niya ang kamay sa harap ko at tinanggap ko naman 'yun. Umakyat na kami sa stage kaya in an instant na nag-form ang ngiti sa labi ko na kanina ko pa pinipigilan, pero habang naglalakad kami papunta sa gitna ay may ibinulong siya sa akin na lalong nagpalaki ng ngiti ko.

"You're making me crazy." He hissed but hindi ko na'yun pinansin dahil nakarating na kami sa gitna ng stage kasama ang mga magulang namin.

"Congratulations for the both of you!" Masayang bati ng mga magulang namin sa amin tsaka kami niyakap.

Nang matapos ang yakapan namin ay humarap ulit sila sa mga guests at sinabi ang mga salitang talagang nagpasaya sakin at sa aking pamilya habang nagpaguho naman 'yun ng mundo ni Terrence.

"Once again, let's give a warm of applause to the newly engaged couple. My son, Terrence Arion Fernandez and his fiance Serene Claris Lopez." His father announced and everyone give us a warm of applause.

Everyone was all smiles, so am I. The smile on my face grew wider while looking at the guests na hindi na magkamayaw sa pagpalakpak at pagko-congratulate habang iyong katabi ko hindi na magkamayaw sa pagmumura.

Poor Terrence first move, checkmate.

The Mismatch Where stories live. Discover now