03

2 1 0
                                    


·°。.*·°*.。* ·°。.*·°*.。*

Dalawang batang naglalaro ng masaya. May mga magulang silang na mahal na mahal silang dalawa. Iisa ang itsura nila, pero magkaiba sila ng ugali. Pero kahit ganun lagi silang magkasundo sa lahat ng bagay. Hanggang sa lumaki sila at nagsimula ng magbago ang lahat…

“Serene bitawan mo ako!” Naiiyak ng sabi ng nakakabata sa kambal.

Hawak hawak kasi ng mahigpit ng kanyang Ate Serene ang kanyang buhok at galit na galit ito. Pilit niyang tinanggal ang pagkakahawak sa buhok nito pero mas malakas ito sa kanya. Masakit na ang anit niya at parang matatanggal na ang buhok niya sa sobrang higpit ng pagkakasabunot ng ate niya sa kanya.

Gustuhin man niyang sumigaw at humingi ng tulong sa daddy at mommy nila pero hindi niya magawa. Natatakot siyang mapagalitan ang Ate Serene niya, ayaw niyang mapasama ang ate niya sa paningin ng mga ito. Isa pa iniisip niyang siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit galit na galit ang Ate niya sa kanya.

“Ilang beses ko bang sinabi sayo Solana na layuan mo siya, ha!? Ilan!?” Galit na galit na saad ni Sana sa kapatid.

Hindi naman agad nakasagot si Sandra dahil tuluyan na itong umiyak at puro hikbi nalang ang lumalabas sa kanyang bibig,“G-ginawa k-ko n-naman a-ate—” pinutol na ni Serene ang sinasabi ng kapatid ng mas higpitan pa niya ang pagkakasabunot sa kapatid.

Lalong napaiyak si Solana dahil sa sakit na naramdaman niya sa ulo. Masakit na ang ulo niya sa pagkakasabunot ng Ate niya pero wala siyang magawa, hindi niya ito kaya.

Nang malapit na sila sa hagadanan ay lalong natakot at kinabahan si Solana. Marami siyang naisip na maaring mangyari, kahit ayaw niyang isipin ang mga yun. Kaya sa sobrang pagpapanik sa maaring gawin ng Ate Serene niya ay pumiglas ulit siya dito.

“Wag kang malikot!” Madiin nitong saway kay Solana.

Pero hindi na siya pinakinggan ni Solana. Natatakot siyang kaladkarin siya ng Ate niya pababa ng hagdan, o kaya naman ay itulak siya nito para mahulog.

Mas lalong pumiglas si Solana sa pagkakahawak ng kapatid at nagtagumpay naman siya. Nakawala siya dito pero ang mga susunod na nangyari ay masyadong mabilis at hindi niya inaakalang mangyari.

“Kyaaahh—!” Tili ni Serene ng siya ang mahulog siya sa hagdanan.

Agad na nalalaki ang mga mata ni Solana sa nakita at hindi agad nakagalaw sa pwesto niya. Nagpagulong-gulong si Sana pababa ng hagdanan…

.

.

.

“Ate!” Hinihingal kong sigaw.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang ramdam na ramdam ko ang  pagtagaktak ng pawis ko at ang pagtaas baba ng balikat ko dahil sa paghahabol ng hininga ko.

Napayakap nalang ako sa dalawang binti ko at ipinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod kong magkadikit. Napapikit nalang ako ng mariin at sinubukang alisin ang mga alaalang 'yun sa isipan ko. Pinigilan ko narin ang mga luhang gustong bumagsak galing sa mga mata ko.

“Sorry Ate hindi ko sinasadya.” Paulit-ulit kong pabulong na sambit.

Ang alaalang yun ang alaalang gustong gusto ko ng kalimutan. Ng dahil sa pangyayaring 'yun nagbago ang lahat. Nawala sakin ang lahat…

“Gising na po pala kayo.” Untag sakin ng isang pang babaeng boses.

Napatunghay naman ako ng tingin dito at nakita ko ang isang pamilyar na babae na nakangiti at papalapit sakin. Nakadamit pangkatulong siya habang may dala dalang isang tray na puni ng pagkain at tubig.

The Mismatch Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα