06

4 1 0
                                    

·°。.*·°*.。* ·°。.*·°*.。*

Two days had passed simula ng mangyari ang meet up na'yun with that Terrence Arion Elizalde. Infairness bagay sakanya ang pangalan niya, ang pogi kasing pakinggan.

"Anak ayos kalang ba?" Nag-aalalang tanong ni mommy sakin ng tabihan niya ako dito sa may pool side.

May dala siyang isang tray na may lamang isang bowl ng chips habang nakasunod naman sa kanya ang isang kasambahay namin na may dalang isang pitcher ng juice at dalawang baso.

Nakangiti naman akong tumango kay mommy at sinimulan ng kainin yung chips niyang dala. Bati na kami ni mommy-well hindi naman kami nag away or what, but pinapansin ko na siya ng unti-unti. Pero si Dad hindi ko pa siya kayang i-close kahit na pinayagan na niya akong lumabas ng kwarto ko. Yun nga lang dito lang ako sa bahay bawal akong lumabas ng gate ng hindi niya nalalaman.

"Gusto mong mag-mall tayo anak? I think you need new wardrobe. Masyado ng mga luma ang mga damit sa closet mo." Puna ni mommy sa mga damit ko.

"Ayos pa naman mom kahit luma. Kasya pa naman." Sabi ko sa kanya at ngumiti ng malumanay. Iyon ang natutunan ko ng maging independent ako. Natuto akong mag-value ng pera, na dapat puro mahahalagang gamit lang ang binibili at hindi kung anong kapritso lang sa katawan.

"No I insist baby. I want my princess to be spoiled, namiss kita anak." Mommy said then she kissed me on my cheeks.

Napangiti naman ako sa paglalambing ni mommy at pumayag nalang din sa gusto nito, para makagala na din. Kating-kati narin kasi ang paa kong gumala. Matamis nalang ako dito ngumiti tsaka tumango bilang pagpayag. Nagpaalam narin akong aakyat na sa kwarto ko para mag ayos dahil na-e-excited na talaga akong maglakwatsya.

"Anong ginagawa mo rito!? Sinong nagpapasok sayo!? Sinusundan mo ba ako!?" Nakataas ang kilay kong tanong dito sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Okay ang assuming ko sa huli kong tanong. Pero keri lang, nagmamaganda ako eh.

With his sweetest smile na ang sarap burahin ay nakapamulsa pa siya habang nakatayo sa harap ko. Lalo naman akong nainis ng wala akong matanggap na sagot mula sa kanya.

Wag niya akong daanin sa pangiti-ngiti niya di pa kami close.

"Hoy sumagot ka kinakausap kita!" Singhal ko dito pero hindi niya ulit ako pinansin bagkus mas lalong lumawak ang ngiti niya ng tumingin siya sa likod ko.

"Tita!" Masayang bati dito at nilampasan ako.

Okay nilampasan niya ako-ang bastos ng lalaking 'to I swear! Nagtatanong ako dito ng maayos tapos nilayasan lang ako!?

"Naparito ka hijo?" Bungad ni mommy habang nakikipagbeso sa lalaking walang modo.

Napapairap nalang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa lalo na sa Terrence na'yan. 'Anong masamang hangin ang nagdala sa kanya dito?'

Talagang masamang tingin ang binato ko sa kanya dahil talagang nanggigil ako sa kanya! Manyak, presko, arogante, mayabang at walang modo. Full package na siya, sa pagiging red flag niya. Bonus nalang na pogi at maganda ang katawan, pambawi siguro para kahit papaano may maganda sa kanya.

Bumuntong hininga nalang ako tsaka tumalikod na at nagtutuloy na sa pagpasok sa loob. Mas magandang dumiretso nalang ako sa kwarto at mag-ayos para sa paglabas namin ni Mommy kesa makipag-plastikan da isang 'yun na feeling close.

"I want to ask Serene to go for a date." Dinig kong cool niyang sabi kay mommy.

Napatigil naman ako sa paglalakad ko at mabilis na humarap ulit sa direksyon nila. Nakita ko pang nakangiti tumango si mommy sakanya kaya lalo akong nainis.

The Mismatch Where stories live. Discover now