08

3 1 0
                                    

·°。.*·°*.。* ·°。.*·°*.。*

Lunes na at heto ako nakasakay sa kotseng service ko papunta sa bago kong school. Yes bago kong school. Inilipat ako ni Daddy ng school, and take note sa school pa na pinapasukan din ng Terrence na'yan.

Naalala ko tuloy noong unang nakita ko siya sa dati kong school. That sensored scene, ugh! Outsider lang pala siya sa school namin ng time na'yun and kalandian niya lang yung girl na dun pumapasok and dahil sa sobrang l*bog ayun nga nangyari na nga at nakita ko pa!

Nang tumigil na ang kotse sa harap ng school ay agad akong napatingin sa labas at bumungad sakin ang halatang social-in na university. Ang mga studyante ay halatang mayayaman at maarte. Well hindi naman lahat but kaunti sa kanila.

High heels, make ups and branded bags. Not my thing.

Inalis ko na ang tingin ko sa labas at bumaling kay Manong Erning na driver namin. Nagpaalam lang ako rito tsaka lumabas na ng kotse.

Tinginan ng mga estudyante ang bumungad sakin pagbaba na pagbaba ko ng kotse. Aaminin ko sobrang awkward ng mga ganitong ganap pero ano bang magagawa ko kung nagagandahan sila sa akin? Kidding aside.

Pero hindi ko na lamang yun pinansin at isinuot nalang ang headset ko at nag-play ng kahit anong kanta. Gumuhit agad ang ngiti sa labi ko ng mag-play ang isa sa mga paborito kong kanta.

🎶I fell in love with a criminal
She stole my heart and I didn't know
She got me hooked after just a touch
Like oooh she's so dangerous🎶

Magiliw akong naglalakad sa corridor habang sumasabay sa kanta. Mahina lang at halos pabulong lang ang pagkanta ko kasi nakakahiya namang lakasan ko yung pagkanta ko, ang pangit pa naman ng boses ko. Buti sana kung kasing ganda ng boses ni Taylor Swift ang boses ko edi go, kering-keri kong kumanta ng malakas.

Dumiretso muna ako sa locker room na in-assign sakin at inayos ang mga gamit ko doon. Itinira ko lang sa bag ko ang catleya ko at ang kailangan kong libro—pero agad akong napasinghap ng makita ko kung anong oras na.

🎶She's got a first time kiss that'll lock you in
She's gonna break your heart but you can't resist
I know that I just met her, I know I should know better
Ooooh she's so dangerous🎶

Nang matapos na ako sa locker ko ay pabalibag ko na iyong naisara kaya nagtinginan sakin ang ibang estudyante rito. Hindi ko nalang ulit sila pinansin at nagmamadali na akong umalis doon.

Langya! Malelate na ako! First day na first day ko sa school na'to tapos late agad! Ugh!

Tumingin ulit ako sa wrist watch ko at may 15 minutes pa ako bago magsimula ang klase. Kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras dahil nasa fourth floor pa ng building ang room ko. Lakad takbo na ang ginawa ko para makarating agad sa room ko.

🎶She got me locked up, tossin' the key
Even if I tried to run she wouldn't let me leave
This could be love, how could that be
I'm fallin for a perfect little heaven of a thief
Bringing me down, but bringing me up
Not the type of girl that you would ever wanna trust
Like ooo she's so dangerous🎶

Marami na akong nababangga at nasasagi sa sobrang pagmamadali ko pero kahit sorry ay hindi ko magawang sabihin sa kanila dahil aligaga at talagang nagmamadali na ako.

Bakit kasi nalate ako!?

Hinihingal at habol hininga ako ng makarating sa 4rth floor ng building kaya sandali muna akong nagpahinga.

The Mismatch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon