04

3 1 0
                                    

·°。.*·°*.。* ·°。.*·°*.。*

“Ma'am Solana pinatatawag po kayo ng inyong Daddy at Mommy.” Sabi ng isang boses ng babae.

Agad na nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Kaya nakangiti akong tumingin dito at mabilis na tumango. Binuksan naman ni Ate na nakapang office attire at naka salamin ang pintuam ng malaki . Tumayo na ako sa kama ko tsaka sumunod na sa kanya.

Sa wakas nakalabas narin ako sa kwarto ko! Ilang araw din akong nakakulong doon na tanging tv at libro ang kaharap kaya nakakasira ng ulo!

“Pumasok na po kayo.” Sabi ng secretary yata ni Daddy.

Napatingin naman ako sa pintuang tinigilan namin at hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Kaya nag-second look pa ako dun sa Secretary ni Daddy tsaka ulit tumingin sa pintuan. Napalunok muna ako bago ko napagpasyahang kumatok tsaka pumasok.

Naka-poker face lang ako ng pumasok sa kwartong pinaghatidan sakin, at nadatnan ko doon si Mommy at Daddy na ngayon ay mariing nakatingin na sakin. Ngumiti sila sakin pero hindi ako ngumiti pabalik bagkus ay naupo nalang sa sofa na kaharap nila.

“Pinatawag niyo raw po ako?” Tuloy-tuloy kong tanong sa mga ito.

Nawala ang ngiti nila para sakin at napalitan 'yun ng pagiging seryoso ni Daddy habang napaiwas naman ng tingin sakin si Mommy. Napabuntong hiningan nalang ako at tumingin nalang ng diretso kay Daddy. Naghihintay ng rason kung bakit biglaan nila ako pinatawag.

Dumaan ang minuto pero isang nakakabinging katahimikan ang bumalot samin. Walang gustong magsalita, at tanging ingay lang ng aircon ang maririnig na ingay sa buong kwarto. Kaya babasagin ko na sana ang katahimikan at magpapaalam nalang na babalik na ako sa kwarto ko dahil para namang wala naman yata silang sasabihin ng maunahan ako ni Daddy.

“You're getting married in just 3 months.” Walang kaabog-abog na sabi nito.

Napaawang nalang ako ng bibig at tila nabingi dahil sa sinabi ni Daddy. Pabalik-balik lang ang tingin ko sa mga magulang kong nasa harap ko at kapwa silang tahimik lang.

Tama ba ang narinig ko o nabingin lang talaga ako?

“H-ha?” Iyon nalang ang nasabi ko dahil ayaw pang mag-sink ng sinabing yun ni Daddy sa sistema ko.

“You're getting married in just 3 months, Solana.” Ulit ni mommy at nanlamig ang buong katawan ko at nanigas nalang ako sa kinauupuan ko.

Ngayon sure na akong hindi ako nabingi. Tama ang dinig ko.

“S-seryoso ba kayo?” Nauutal kong tanong sa mga ito.

Hindi naman nakasagot si mommy at nag-iwas nalang ulit siya ng tingin sakin, kaya tumingin ako kay Daddy. Tumingin din ito ng diretso sakin at tumango bilang sagot.

Parang namanhid ang katawan ko dahil feel ko para akong binuhusan ng napakalamig na tubig, dahil sa mga rebelasyong ito.

Ako magpapakasal? Paanong—bakit ako!?

“Ayoko. Hindi ako pumapayag.” Matapang kong sagot sa mga ito.

Hindi ko na sila hahayaang kontrolin ang buhay ko. Ayaw ko ng manipulahin nila ulit ako.

Napasinghap naman si Mommy dahil sa sagot ko kaya napatingin ako rito, kasunod kong tiningnan si Daddy na wala paring emosyon ang mukha.

“Kaya niyo ba ako pinahanap para dito?” Biglang tanong ko sa mga ito.

The Mismatch Where stories live. Discover now