05

4 1 0
                                    

·°。.*·°*.。* ·°。.*·°*.。*

Oplan Takas.

Mixed emotion ang nararamdaman ko habang nakasakay sa kotse at nakatingin sa bintana. Gusto kong sumayaw at sumigaw sa sobrang saya dahil mamaya hindi na ako sa mansion na'yun uuwi. Dati nga nakayanan ko silang takasan ngayon pa kaya? Tsaka akala ba nila susuko ako sa pagta-try na makatakas? Huh! NEVER!

Alam kong hindi pa ako dapat mag-celebrate but hindi ko mapigilan, dahil sure naman ako na makatatakas ako mamaya sa kanila because of my detailed plan.

Step 1. Habang nag uusap silang tatlo tungkol sa kasal kasalang yan o kaya sa business matter na'yan, that's my que para magpaalam para pumunta ng comfort room.

Step 2. Pag nasa comfort room na ako hahanap ako ng pwedeng labasan dun, but pagwala akong nakita then hindi parin tayo susuko gagawa tayo ng paraan.

Step 3. Dahan-dahan akong pupuslit papalabas ng restaurant. Kung kailangan kong pumasok sa workplace nila at lumabas sa backdoor na naroon, gagawin ko. Sabay takbo papalayo doon sa restaurant tsaka pumara ng taxi.

Napangisi nalang ako habang iniisip ko ang plano ko. Ang talino ko talaga! Well buti nalang naalala kong may pera nga pala ako, yung kinita ko sa pagdi-deliver ng manok kaya keri ng makatakas sa kanila. Bahala na kung masesermonan ako ni Tita mamaya.

“Le'ts go Solana.” Sabi ni Daddy at sumenyas na bumaba na ako. Tumango naman ako at inayos muna ang suot kong dress bago bumaba.

Hindi ko tuloy namalayang nandito na kami kaiisip sa plano ko. Nang makalabas na ako sa kotse ay agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid. May jeep, may tricycle at taxi, may bus pa nga na dumadaan sa harap nung restaurant, tamang-tama marami akong pwedeng masasakyan mamaya.

“Act like a lady, Solana—act like Serene.” bilin niya at nauna ng pumasok sa resto.

Hindi na ako sumagot bagkus ay tumango nalang tsaka sumunod sa kanya. Act like Sanna daw, then should I cause a dramatic scene there? Huh! As if naman magtatagal ako dito.

Iginiya kami ng isang staff ng restaurant sa isang private room, and ng pumasok kami roon ay isang lamesa ang bumungad samin at may dalawang lalaki ng nakaupo doon, naghihintay. Nakatalikod sila sa direksyon namin kaya hindi ko makita ang istura nila. Pero halata namang nasa left side iyong lalaking magiging fiancè ko daw dahil halata naman sa posture niya na siya ang bata sa kanilang dalawa.

Gwapo kaya ang magiging fiancee ko daw?

Napailing nalang ako dahil sa isiping 'yun. Ano naman kung gwapo diba? Hindi noon mababago ang katotohanang ayaw kong makasal sa kanya.

“Samuel! Terrence hijo!” Bati ni Daddy dun  sa dalawang taong nakaupo. Bumaling naman ang mga ito samin pero nanatili lang akong nakatungo ng bigla akong pasimpleng siniko ni Daddy. Tiningnan ko naman ito kaya sinenyasan niya akong bumati rin. Tumango naman ako rito at bago ako tumunghay ay napaikot nalang ako ng mga mata.

“Hello po, Good morning po sa inyo.” I politely greet with a fake sweet smile on my face. After that ay sinenyasan na kami noong tinawag ni Daddy na Samuel na umupo. Kaya umupo na kami ni Daddy ng biglang manlaki ang mga mata ko ng makilala ko lalaking magiging fiancè ko, the moment when  our eyes met pagkaupong-pagkaupo ko sa silya na kaharap niya.

“P*cha…” Napalabi ko nalang sabay iwas ng tingin dito, samantalang naiwan naman siya nakatingin sakin habang nakakunot ang noo.

Mahina akong tumikhim tsaka inabot ang isang basong tubig sa harap kopara sana uminom at ng maiwasan naman ang kaba ko, pero agad ko din iyong ibinaba bago ko pa maitaas dahil sa panginginig ng kamay ko.

The Mismatch Kde žijí příběhy. Začni objevovat