CHAPTER 11

28 3 1
                                    

#Unedited
READ AT YOUR OWN RISK!

Taken

Ngayon ay sabado at napagkasundaan naming magbonding na tatlo si Jeca, ako,  tapos si Yurkie at shempre si Yurkie ang mapera kaya sa kanya na naman lahat ang gastos.

"Promise pag mayaman na kami ako naman ang manlilibre sa'yo sa ngayon ikaw muna! " Pabiro na sabi ni Jeca.

Nasa loob kami ng kotse ni Yurkie si Jeca sa harap habang ako naman ay nasa back seat.

"Heh! Kailan pa yun kapag pumuti na ang uwak?"

"Yayaman kami hintayin mo lang!"

"Huwag ka na nga lang magsalita dyan ang ingay mo palabasin kita!" inis kunwareng sagot sa kanya nito.

Bumingisngis lang naman si Jeca kaya napailing nalang ako. Normal na iyon kay Jeca kung hindi ako ang iinaasar nya si Yurkie naman.

"Saan ba tayo mag s-swimming?" Tanong ko sa kanila.

May sinabing lugar kanina si Yurkie pero  hindi ko natandaan.

"Naku Sis! naririndi na ako  sayo kanina ka pa tanong ng tanong kung saan tayo mag s-swimming." maarteng sagot ni Yurkie nagawa pa akong irapan.

Ang baklang to tinatanong lang kasi nakalimutan.

"Malamang sa tubig try mo kaya mag swimming sa lupa!" Pabalang na sagot nito.

Humagalpak naman ng tawa si Jeca.

"Dagat tayo magsswimming yan kasi kung anu-anong iniisip mo kinakausap ka kanina lutang ka!" tawa pa nya.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Dagat?! Hindi ako nakapagdala ng sunblock!" Natatarantang sabi ko.

Paniguradong magkakasunburned ako nito! Hindi naman sa nagiinarte pero nagkaka allergy ako pagnasosobrahan sa init.

"Akala ko swim suit! nyetang sunblock yan!" si Jeca.

"Alam mo naman na nagkakaallergy ako pag nasobrahan sa sun--" natigilan ako ng may ihagis sya sa'kin.

"Yan sunblock ha! Pasalamat ka mahal kita kung hindi hipon  ka na naman mamaya!" Tumingin sya sa taas na may maliit na salamin at inirapan ako.

"Edi salamat! Pwede namang ibigay kailangan pa talagang ihagis?" Inirapan ko rin sya bago kinuha ang sunblock na nahulog sa upuan.

"Aba't! Akin na nga ulit yan!" inis na sabi nya pero binilatan ko  sya.

"Binigay mo na di na pwedeng bawiin!"

Tumawa ako ng hindi na ma drawing ang mukha nyang sobrang nakabusangot.

"Matulog kayo mga tatlong oras pa bago tayo makarating." Biglang tikhim ni Yurkie.

Seryuso sya ng sabihin iyon kaya lumabas ang malalim na boses nya.

Nagkatinginan kami ni Jeca sa salamin at sabay na napasabing.

I Crush You SirWhere stories live. Discover now