CHAPTER 7

29 7 0
                                    

#Unedited
READ AT YOUR OWN RISK

Paper bag

"Kung sino ang mag champion dito sa school natin sya ang ilalaban para sa gaganapin na City meet sa susunod na buwan. Kaya dapat galingan nyo dahil may malaking prize ang mamanalo." Anunsyo ng Couch namin.

"Ano kaya yung prize?" Rinig kong sabi ng babaeng katabi ko.

"Baka Trip to  Korea!" Biro ng isa pang babaeng katabi nito.

Tahimik lang ako habang nag uusap-usap sila.

"Pwede rin!" Sagot naman ng isa pang  babae at nagtawanan sila.

"Ang tahimik mo naman." Pansin sa'kin ng isang babaeng maikli ang buhok na kulot.

"Ah, tahimik talaga ako." Palusot ko kahit ang totoo nahihiya lang ako dahil wala naman ako ni isang kilala sa kanila.

"Ah, kaya pala hindi ka nakikisali sa kanila, I'm Gail by the way." Nakangiting naglahad ito ng kamay sa'kin.

"Lesya." Maikling sagot ko.

"Matagal ka na bang naglalaro?" Tanong nya, umiling ka agad ako.

"Ako since elementary marunong na ako Family Chess kami eh." Tumawa sya sa sinabi nagulat naman ako.

"Talaga? Edi magaling ka." Naka ngiting papuri ko.

"Hindi naman sakto lang." nakangiting nitong sagot.

Tumingin ito sa bandang nasa gilid kung saan ang mga lalaking chess player ay naglalaro.

"Magkakilala pala kayo ni Cupid."

Tumingin naman ako sa mga boys at nakita si Cupid na seryusong naglalaro. Mula ng maglaro kami ay hindi na ako nito nilapitan, masyado yata akong nag assume na may magiging kaibigan ako dito.

"Hindi naman masyado nakilala ko lang sya nung first day na mag practice tayo." sagot ko.

"Ah, ganun ba akala ko magkakilala kayo ikaw kasi yung nilapitan nya nung first day ng practice." Kagat labing sagot nito.

Nahalata ko ang kakaibang tingin nito kay Cupid. Tss. Pustahan may gusto ito kay sa lalaking kulot na 'yon.

"Alam mo ba na magaling iyang si Cupid?" anito habang hindi inaalis ang tingin kay sa lalaki.

Hindi naman ako nagsalita at nakinig sa mga sasabihin nya.

"Marami na syang nasalihang tournament at hindi sya umuuwi ng hindi sya panalo." Kita ko ang paghanga ni Gail habang sinasabi ang mga iyon.

Ngayon sigurado na ako na nagpatalo lang talaga sya sa'kin nung maglaro kami. Tss.

"Tapos natalo mo nung maglaro kayo." Baling nito sa'kin.

"Hindi ko sya natalo, nagpatalo talaga sya." Siguradong sagot ko.

Hindi sya sumagot kaya naman.

"Sige mauna na mauna na muna ako sa'yo."

Akmang tatalikod ako ng pigilan ako nito sa braso.

I Crush You SirWhere stories live. Discover now