CHAPTER 2

49 11 2
                                    

#Unedited
READ AT YOUR OWN RISK!

Recitation

Maaga akong natulog kaya maaga din akong nagising. Kung kailan wala si Miss Carranza saka naman akong maagang pumasok.

"For the first time maaga kang pumasok." Puna ni Kai pagkapasok na pagkapasok namin sa room.

"Shempre may new Teacher, ikaw naman Kairo hindi pa nasanay." si Jeca na ang sumagot para sa'kin.

Siniko ko ito at sinamaan ng tingin.

"Woah... Don't tell me crush mo rin si Sir Ace, Lesya?" Natatawang sabi ni Kai.

Sarkatiko ko syang nginisihan.

"Baka ikaw crush mo sya, Kairo?" Balik na tanong ko na tinawanan nya lang.

Hindi ko na sya pinansin at nilagpasan na lamang.

"Aga natin Lesya ah?" Nang aasar na puna ni Yurkie.

Nakasimangot akong tumingin sa kanya.

"Pwede ba yung pagpasok ko lang ba talaga ang napapansin nyo? Pansinin nyo naman si Jeca late comers din ito." Sarkastikong turo ko sa kaibigan na nasa gilid.

Nakakainis ang mga tao ngayon, bakit hindi ba pwedeng pumasok ako ng maaga?

"Chill ang aga pa." Pang aasar nya pa.

Inirapan ko ito at hindi nalang pinatulan ang pang aasar. Kinuha ko ang libro sa Business math at nagpasyang magbasa nalang.

"Guys next week na nga pala ang sportfest at sabi ni Miss Carranza dapat daw lahat tayo may masalihang sports dahil kung hindi zero tayo sa PE." Anunsyo ni Pres Daniella sa unahan.

Hindi ko na inalis ang tingin sa librong hawak ko at nakinig lang.

"Balak ko sanang mamaya ay pag-usapan na natin ang tungkol dito since vacant naman natin ng 3." Mabilis na sumang-ayon naman lahat ng kaklase ko.

"Lesya?" Biglang tawag sa'kin ni Pres Daniella.

"Bakit?" tanong ko.

"Okay lang ba sayo na mamayang 3? "

"Oo, mas mabuti ngang mapag-usapan habang maaga pa." Sagot ko, tumango tango naman ito bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

Sa gitna ng pag-uusap namin ay biglang pumasok si Sir Ace.

"Good Morning Sir Ace!" Bati nilang lahat at shempre hindi ako kasama.

Walang good sa morning lalo ng kung sya ang makikita first subject pa lamang.

Isinara ko ang librong hawak ko at nag-iwas ng tingin. Ayaw ko talagang tingnan sya, nayayabangan ako.

"Good morning." Pormal na sabi nito.

Pumasok sya na walang ibang dala kung hindi ang sarili nya. Anong ituturo nya kung ganun? Aware ba sya sa pinasok nyang ito? Anong ituturo nya sa'min kung kahit libro wala syang dala. Tss.

I Crush You SirWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu