CHAPTER 5

28 7 0
                                    

#Uneditet
REAR AT YOUR OWN RISK!

Crush

"Chess player raw pumunta sa Library may practice. "

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room ay yun na kaagad ang bumungad sa'kin.


"Lesya punta na raw naghihintay si Couch don." sabi ni Mae sa'kin.


Namula pa ito ng sabihin ang couch.

Pati couch crush din yata. Tss.. wala na talagang pinipili ngayon lahat pinapatos.

"Okay." Maikling sagot ko.

Nagpaalam lang ako sa mga kaibigan ko at pumunta na sa Library.

Naabutan kong may mga tao na roon. Maraming lalaki ngunit at mangilan ilang babae na hula ko mga Stem student. Sabagay ano pa bang aasahan ko hindi lang basta bastang laro ang Chess kailangan dito ang utak.

"Lahat ba ng representative ng each department nandito na? " Sabi ng lalaking hula ko ay Couch.

"Yes couch nandito na lahat." Sagot ng iba.

"Okay sa ngayon practice na muna tayo choose your partner." Anunsyo nito.

Kanya kanya naman na pumili ang mga player ng magiging kalaban nila. At ako bilang wala naman masyadong kakilala dito ay nakatingin lang sa kanila.

"Miss may ka partner ka na ba?" may nagtanong sa'kin na isang player na lalaki matangkad ito at medyo curley ang buhok.

Umiling ako.

"Tayo nalang tara." Niyaya nya ako palapit sa isang mesa. May dala-dala syang Chess mat.

"Hindi ba dapat kalaro mo lalaki rin?" Tanong ko ng maupo na sya kaya naupo rin naman na ako.

"Oo pero practice pa lang naman ito kaya okay lang na kahit babae. " Ngumiti sya at nag abot ng kamay.

"Anyway, I'm Cupid." nakangiting Pakilala nya hindi ko naman napigilan ang matawa.

Porke mukha syang si kupido sa curly nyang buhok na golden brown ay Cupid na ang pangalan nya, lakas ng trip ha.


"Cupid?" Natatawang ulit ko sa pangalan nya.

"Yes, Cupid. I know my name is kinda weird but that's my real name. Blame my Mom kasi sya ang nag pangalan sa'kin." Tumawa ito at halos guhit nalang ang makita ko sa mukha.

Cute sya pero may pagka weird.

"I'm Lesya." Maikling pakilala ko.

"I know, Accounting student."

Nagtaka ako kung bakit alam nya kaya.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Nilatag nya ang chess mat at kinuha nya ang black na mga pieces kaya white tuloy sa'kin.

I Crush You SirWhere stories live. Discover now