CHAPTER 8

25 4 0
                                    

#Unedited
READ AT YOUR OWN RISK!

Defeated

Dumaan ang dalawang araw at iniwasan ko talaga si Ace. Pag nagkakasalubong kami ay mabilis akong lumiliko sa kung saan, pag may practice naman at nandoon sya para panoorin kami ay hindi ko sya tinitingnan at umaaktong focus na focus sa paglalaro.

Ngayon ay ang laban namin at talaga namang hindi pa nagsisimula ay kinakabahan na ako. Bukod sa magagaling talaga ang mga babaeng makakalaban ko natatakot rin ako na matalo ayaw kong madisappoint sa'kin ang section ko.

Nasa library kami ngayon at naghahanda. May limang uri ng strand ang school namin, ALs, Gas, Humss, Stem at ABM ako.

Ang limang strand na iyon ay maglalaban laban at kung sino ang pinaka maraming puntos at walang talo sya ang paparangalang Champion sa chess na Girl at sya rin ang ilalaban para sa gaganaping City meet.

"Good luck, Lesya." Nilapitan ako ni Cupid at nginitian.

Hinanap ka agad ng mata ko si Gail at saktong makita ko sya ay nakita kong nakatingin na sya sa'min ni Cupid. Wala sa sariling tinanguan ko sya.

"Good luck din sa'yo,  Sana ikaw ang manalo sa Boys." Nakangiting sagot ko matapos nun ay nilagpasan ko na sya kasi baka ano pang isipin ni Gail sa'kin.

"Ah, Lesya..." Hinarangan nya ako sa dadaanan ko dapat kaya napatingla ako sa kanya.

"Bakit?"

"Kung sakali man, kung sakali lang naman na manalo ako pwede bang yayain kitang kumain sa labas..." Napapakamot pa sa batok na sabi nya halatang nahihiya.

"Ah, kasi Cupid...baka may gawin ako after nito--" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng magsalita na naman sya.

"Madali lang promise ihahatid rin kita sa dorm nyo pagkatapos." Nakangiting sagot nya pa.

"Miss Del mundo." may sumingit sa usapan na nasa likod ko at ng lingunin ko iyon walang iba kung hindi ang student teacher.

Gagawa na naman sana ako ng palusot para maiwasan lang sya ang kaso ng makita kong parang galit pa ang mukha nya ay hindi ko na tinuloy ko ano man ang binabalak ko.

"Ah sige, Cupid. Sana manalo ka." Nakangiting baling ko kay Cupid.

Halos makita ko na ang lahat ng ngipin nya sa sobrang laki ng ngiti nya.

"Salamat Lesya! Good luck!" Sabi pa nito bago tumalikod at pumunta sa mga kasamahan nyang lalaki.

"Ehem." Saka lang ako natauhan ng  may tumikhim sa likod ko.

"Yes, Mr. Ledezma?" seryusong tanong ko kahit sa loob-loob ko ay nagwawala na naman ang kung anong elemento sa tiyan ko na tanging sya lang ang nakakagawa.

Hindi kaya kinulam nya ako? Bakit ganito na lamang ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko sya. Hindi na yata ito normal.

"10 minutes before your game, be ready." Matigas na sabi nito sa'kin bago ako tinalikuran.

Napatanga ako dahil sa ginawa nya. Alam ko naman talaga na ganun sya malamig kung makitungo sa mga estudyante pero bakit dumoble yata ngayon.

I Crush You SirWhere stories live. Discover now