CHAPTER 3

43 10 2
                                    

#Unedited
READ AT YOUR OWN RISK!

Sport fest

Nagdaan ang isang lingggo at yung pagiging active ko sa school na apektuhan dahil sa mayabang na teacher namin. Tuwing nag re recitation tumataas naman ako ng kamay pero suwerte ko lang talaga hindi man lang ako napapagbibigyan!

Hindi rin gaya ng mga naunang araw ngayon ay hindi na kami nagkakaroon ng pagkakataon na magkatingin. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dun o hindi.

Hindi naman sa hinahanap hanap ko ang ganoong pangyayari pero naninibago talaga ako. Hindi na nga sya tumitingin sa'kin pero kung ituring nya naman ako sa klase parang hindi ako belong. Nakakainis talaga kasi kahit i kwento ko ito kay Jeca tinatawanan nya lang ako palaging tugon nya ay kulang lang raw ako sa tulog kaya kung anu-ano napapansin ko. Tss!

Sportfest ngayon at dahil sa kalutangan ko na naman wala pa akong sports na nasasalihan. Ewan ko ba dati naman ginaganahan ako pag may mga ganitong event pero ngayon gusto ko nalang matulog.

"Hoy Lesya! Nakikinig ka ba?" Niyuyog ni Jeca ang magkabilang balikat ko.

"Bakit?" Walang ganang tanong ko.

"Tinatanong kita kung may nasalihan ka na bang sports!" Gigil na sabi nya.

"Ah wala pa nga." Sagot ko.

Napatingin ako sa mga kaklase kong isa-isang nagpapasukan sa room. Kung noon ay palagi kaming late ni Jeca nag iba na palagi kaming maaga ngayon may araw pa nga na nauunahan pa namin ang ibang teacher dito sa school.

"Lutang ka na naman sis." Pansin ni Yurkie.

"Pansin ko nga rin mema, palagi syang lutang kakaiba sya ngayon para bang ang daming iniisip." Si Jeca.

Wala akong iniisip nawawalan lang ako ng gana ewan ko rin ba kung bakit.

"Wala ito kulang lang siguro talaga ako sa tulog." Palusot ko.

Sinungaling Lesya ikaw makulangan sa tulog? Eh sobra nga palagi ang tulog mo!

Napailing ako sa pumasok sa isip ko.

"Sali ka nalang sa volleyball marunong ka naman eh!" Si Jeca.

Volleyball alam ko naman kung paano mag laro nun at magaling naman ako ron pero ayaw ko. Naeexpose kasi yung thigh ko sa init. Hindi naman sa nag iinarte ako pero nagkaka sunburned kasi ako pag nasobrahan.

"Ayaw ko maglaro." Diretsang sabi ko.

"Ayy! Hindi pwede sis! Nakalimutan mo na ba? Pag walang nasalihang sports automatic zero sa PE gusto mo ba yun?" Si Yurkie.

"Bahala na basta." Nasabi ko nalang.

Hindi naman na nila ako kinulit siguro napansin nila na wala ako sa mood pag usapan ang about sa sports.

Pumasok si Daniella at dumirestso ka agad ito sa unahan.

"Guys good news! May Chess daw ngayong taon!" Masayang anunsyo nya pero hindi man lang nag react ang mga kaklase ko.

"Daniella wala naman tayong player nun."Si Faith. .

"Wala bang naglalaro ng Chess dito?" Naninigurong tanong nito sa'min.

"Wala Pres, di ba kasi last year hindi naman yan isinama? Wala tuloy nag try." Si Carlyn.

Kita ko ang paghawak ni Daniella sa noo. Halatang namomoproblema.

"Paano yan wala tayong player sa larong Chess." problemadong sabi nya.

"Pres si Lesya marunong to!" Biglang sigaw ni Jeca ng hindi ko inaasahan.

I Crush You SirWhere stories live. Discover now