Kabanata 50 ( FINALE )

Start from the beginning
                                    

Dahan dahang iminulat ni Lando ang mga mata nito at ng makaharap ang mga Kaluluwa ay bigla nagunahan ang mga luha nito. Hindi sya maaring magkamali si Jenny ang Panganay na anak nga nya ang isa sa mga kaluluwa na nakita nya nuong araw ng ritwal.

Nagtaka naman ang mga ito kung bakit ganun nalng ang reaksyon ni Lando ng makita ang mga kaluluwa na nasa harap ng mga ito. Hinawakan ni Ka Maryo ang balikat ni Lando.

Tumayo si Lando habang umiiyak ito papalapit sa mga kaluluwa.

" Pa! Anong nangyayari!.naguhuluhang tanong ni Alice sa Ama.

Derederetcho lang ito patunggo sa mga kaluluwa. Hinawakan naman ni Bernard si Alice ng susubukan sana nitong sundan ang Ama.

" Anong ginagawa ni Mang Lando? San sya pupunta? Tanong ni Peter kay Paul.

" Manahimik ka nga dyan! Saway naman nito.

Nagkatinginan si Kanor at Simon , Alam na nito ang nangyayari nalaman ito ni Simon ng Gabing Sumanib ang kaluluwa ni Rigor kay Lando , nakita ni Simon na nakita nito ang kaluluwa ng batang si Jenny at Tinawag nya itong Anak.

" Anak! Anas ni Lando at lumuhod at umiiyak habang nasa harap ng kaluluwa ng batang si Jenny.

" Anak! Anas ni Alice at tumulo ang mga luha nito.

Bumalik sa Alaala ni Alice  nuong unang ipakita saknya ni Jenny kung paano sya namatay. Nakita nya roon ang umiiyak na lalaki habang karga karga si Jenny kaya pala pamilyar saknya ang suot nitong relo ay dahil yun pala ang kanyang Amang si Lando.

Gulat na gulat si Peter Paul at bernard ng marinig ang inusal ni Lando sa harap ng kaluluwang si Jenny.

" Patawarin mo anak si Papa kung hindi kita nailigtas nuon sa kamay ni Loida! Patawarin mo ako! Humahagolgol na si Lando.

       ----------------------------------------------------

Umuwi si Lando nuon na pagod na pagod sa trabaho , maaga kasi syang naging Balo nuon sa Asawang si Fely at naiwan saknya ang nagiisang anak na si Jenny. Mabait na bata si Jenny at masiyahin at mahilig ito maglaro sa tubig kaya naman halos napakalaki ng bill namin nuon buwan buwan. Pero masaya akong nakikita g lumalaki si Jenny na mabuting bata. Hanggang sa makilala ko si Loida at iniuwi ko sa bahay para may kasama narin si Jenny sa tuwing nasa trabaho ako , hinahabilin ko lang kasi palagi si Jenny sa kapitbahay kaya mas nahing panatag ang loob ko ng dalhin ko si Loida at itira sa bahay.

Nuong una ay masaya naman kaming tatlo , parang anak na ang turing nito kay Jenny , pero isang araw umuwi si Lando ng bahay na umiiyak si Jenny kaya naman agad nyang tinanong si Loida.

" Honey anong nangyari kay Jenny bakit may pasa ang anak ko? Tanong ni Lando kay Loida.

" Ah yan ba naku napakalikot kasi nyang anak mo kakalaro ng tubig sa gripo ayun nadulas! Bakit ba kasi mahilig maglaro yang bata na yan sa banyo? Tanong ni Loida kay Lando.

Naniniwala naman si Lando sa sinabi ni Loida kaya naman pinagsabihan nalng ni Lando ang anak na wag ng mgalaro sa banyo at baka mapaano pa ito.

Ilang buwan pa at napapansin na ni Lando na mailap narin saknya si Jenny at palagi syang uuwi ma may pasa ito s akatawan kaya tinanong na nya ang anak na si Jenny.

" Anak , hindi kana naman nag ingat kaya ayan ang dami dami mo na namang pasa! Anas ni Lando ng inaasikaso na ng linisan ang kanyang Anak.

" Pinapalo po kasi ako palagi ni Tota Loida papa eh! Sagot ni Jenny.

Nagulat si Lando sa sinabi ng Anak na si Jenny. Kaya naman kinumpronta nya ang Kinakasamang si Loida habang nagmamanicure ito sa sala.

" At naniniwala ka naman sa sinasabi ng sinto sinto mong anak na yan huh? Gumising ka nga Lando , may something sa pag iisip ang anak mo kaya kung ano- ano ang sinasabi! Sigaw at galit na galit na si Loida at pabagsak na isinara ang pinto ng kwarto.

Walang nagawa si Lando kundi ang hindi paniwalaan ang anak baka nga gumagawa lang ito ng kwento pero isang nakakakilabot na pangyayati ang hindi inaasahan ni Lando.

Pauwi na si Lando ng makarinig sya ng Tunog ng Ambulansya pati narin ang Police mobile mukhang papunta ito malapit s ai uupahan nilang Apartment.

" Kawawa naman yung bata! Grabeng madrasta napakasama! Narinig na anas ng babae na dumaan sa gilid ni Lando.

Hindi malaman ni Lando kung bakit nakaramdam sya ng kaba ng mga oras na iyon , kaya naman nagmadali syang makarating s abahay na inuupahan niyo pero ganun na lamang ang gulat nya ng makita nyang. Nakabukas ang pinto at naroon ang mga police sa loob ng bahay.

" Jenny!anas ni Lando at oatakbong pumasok sa bahay.

" Sino po kayo? Tanong ng Isang Police.

" Ang anak kung si Jenny asan sya? Tanong ni Lando dito.

Pinapasok nito si Lando at nakita nyang nakaposas na si Loida sa sala habang umiiyak ito.

" Anong nangyari? Tanong ni Lando pero walang smasagot.

Napansin nya ang munting paa na nakahiga at may balot na kumot.

" Jenny Anaaakkkkk!!! Sigaw ni Lando na pumailanlang sa buong kabahayan!

    ---------------------------------------------------------

Habang nakaluhod si Lando ay lumapit si Jenny sa ama at niyakap ito. Ramdam na ramdam ni Lando amg mahigpit na yakap ng Anak na si Jenny.

" Papa! Anas ni jenny at humalakha pa ito na animoy masayang masaya sa pagdating ama gaya nuong nabubuhay pa ito.

" Anakkkk!! Hagugol na anas ni Lando.

Umagos naman ang luha ng mga naroon dahil s atagpong yun , hindi alam ni Alice ang emosyon na nararamdamn nito , masaya sya na nalulungkot para kay Jenny at sa papa nito.

Bumitaw sa pagkakayakap si Jenny kay Lando at tuminggin sa kinaroroonan ni Alice at ngumiting inilahad ang kamay nito , naoatinggin din ang umiiyak na si Lando sa Anak na si Alice at ngumiti ito.

Patakbong Lumapit si Alice sa mga ito at niyakap ng mahigpit ni Alice ang papa nito at ang kapatid sa Amang si Jenny.

Umusal naman ng Orasyon si Simon at unti unti ng naglaho ang ibang kaluluwa habang kumakaway at nakangiti sa mga ito.

Kumawala sa pagkakayakap si Jenny sa Mag amang alice at Lando.

Nakita ni Alice ang mukha ni Jenny na napakaganda at napakaamo kamukha g kamukha ito ng kapatid nyang si Sid kaya hindi mapapagkailang anak nga ito ng kanyang Papa na si Lando.

Hinawakan ni Alice ang kamay ni Jenny at ngumiti dito.

" Matatahimik kana Ate Jenny! Mahal na mahal ka namin ,hanggang sa muli! Anas ni Alice at niyakap ito.

" Magkakasama na kayo ng Mama mo Anak! Magiging masaya kana sa Piling ng Mama mo at ng panginoon , palagi kang nasa Puso at isip ni Papa! Anas ni Lando at napahagulgok na naman ito.

Unti unting naglaho ang kaluluwa ni Jenny at isang matamis na halakhak ang pumailanlang sa kawalan. Nagyakap ang mag amang Alice at Lando. Habang ngapahid naman ng luha ang mga kasama ng mga ito.

Hindi na inusisa pa ng mga ito kung paano at anong dahilang kung bakit namatay ang Anak ni Lando na si Jenny ang importante ay masaya na ang lahat pati narin ang mga kaluluwang nakatira at naging HOUSEMATE ng mga ito.

            
               

                   
                     ---------------- THE END -------------------

HousemateWhere stories live. Discover now