CHAPTER XI

11 1 0
                                    

Gaille P.O.V.

"Happy birthday to you~ Happy birthday to you~ Happy birthday Happy birthday~ Happy birthday to you~" Nqrinig kong kanta ng mga kaklase ko pagkaupo ko sa upuan ko.

"Wala ka bang pakain diyan?" sarkastikong tanong ni Adellano.

Nginitian ko naman siya.

"Wala ngang pera, eh!" sagot ko.

"Happy birthday, Krass!" bati ni June na biglang sumulpot sa harapan ko.

"Thank you!" sagot ko sa kanya.

"Gaille, pupuntahan mo ba ulit si Lin?" pagtatanong ni Mikaela na nasa likuran ko.

"Hindi, no?" sagot ko.

Pupuntahan pa iyon. Eh, lalabas na nga iyon ng ospital. Saka hindi pa naman mamatay iyon.

"Nasaan nga pala si Alveza?" tanong ko.

"Hindi ko rin napansing pumasok iyon, eh," sagot ni Jean.

"Gaille, magpatubig ka naman diyan, kahit ayon lang," sambit ni Bellarde na parang nagmamakaawa.

"Naghihirap ka na ba, Ethan?" tanong ni Adellano sa kanya.

"Hindi, no? Syempre kahit kaunting pakatchos lang. Birthday, eh!" sagot nito.

Nagtawanan naman kami hanggang sa magsimula na ang klase. Napuno kami ng tawanan dahil pa rin sa mga kalokohan ni Adellano at Bellarde.

Nang mag-uwian ay hindi na ako nag-atubiling umuwi dahil sinabihan ako ni Mama na agahan ang uwi.

"Happy birthday, Reese," bati sa akin ni Sinco ng makalabas ako ng classroom at inabutan ako ng candy flower.

"Thanks!" sagot ko at kinuha ang binibigay niya.

"Happy birthday, Gaille," bati naman ni Alvin habang patuloy ako sa paglalakad sa hallway at may inabot rin siyang candy flower.

"Parang alam ko na ito!" natatawa kong sambit at sinulyapan ang buong hallway.

Nakita ko ang mga kaibigan kong nakaabang habang may hawak na candy flower. Nagpatuloy ako sa paglalakad at kinukuha ang binibigay nilang candy flower.

"Happy birthday, Gaille. More birthdays to come," sambit ni Linnie na pinsan ko at inabutan ako ng candy flower.

"Salamat!" sagot ko at tinignan ang lahat ng binigay nila, "Teka! 15 lang lahat? Kulang ng isa," natatawa kong sambit pagkabilang sa mga kendi.

"Ahh! Ito, oh!" sagot ni Linnie at inabot ang isa pang kendi. "Kunwari galing kay Lin. Nasa ospital kasi, di ba?" natawa niyang sambit.

"Oo nga naman," sambit ko at kinuha ang kendi mula sa kanya.

"Halika na, Gaille," aya sa akin ni Charie, isa sa mga kaibigan ko, "Ililibre mo pa kami," dagdag niya at hinigit ako.

"Sandali—" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Naku! Wala ng maraming say, kami ng nga lang ang bahala," sabat niya.

"Pero—" pinutol ulit niya ang sasabihin ko.

Napakadaldal talaga ng babaeng ito.

"Birthday mo ngayon, di ba? Okay na. Kami na lang manlilibre sa iyo," sagot niya.

Hindi naman ayan ang gusto kong sabihin, eh. Hays! Bahala na nga.

Alas sais na ng gabi, papauwi na ako sa amin. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa mga kalokohan ni Charie.

Bigla namang nag-chat si Azalea sa akin. Nagulat naman ako dahil parang kakaiba ang pinatutungkulan niya sa sinabi niya.

Lincoln: Wifey, kumusta ka na? Masaya ka na ba ngayon?

Dealing with DestinyWhere stories live. Discover now