CHAPTER IV

10 1 0
                                    

Lincoln P.O.V.

Masaya akong nakikipag-chat kay Gaille nang biglang sumulpot ang mensahe ni Ray na nagsasabing may crush siya kay Gaille simula pa noong unang linggo.

May kung anong kalokohan na naman ang pumasok sa isip ko kaya kinausap ko muna si Ray tungkol sa nararamdaman niya kay Gaille.

Kinabukasan ay ibinigay ko kay Gaille iyong cellphone ko para basahin niya ang pag-uusap namin ni Ray.

Wala akong privacy. Dahil isa akong malaking pakialamero!

"Ano? Naniniwala ka na?" tanong ko sa kanya.

"Hindi." Inabot sa akin ang cellphone ko. "Kilala kita kaya baka isa lang iyan sa mga kalokohan mo," dagdag niya kaya napaisip ako.

Ang galing naman pala ni Gaille pero totoo talaga iyong pagkacrush ni Ray.

"Guys! Iyong mga sasayaw, magpapraktis na tayo," anunsyo ni Jean na siyang nagkokoryo sa mga sasayaw.

"Tawag ka na, Wifey! Galingan mo, ah!" sarkastiko kong sambit sa kanya.

"Buset ka talaga! Ewan sa iyo," sagot niya at lumapit na sa mga sumasayaw.

Lumabas naman ako saglit para makipag-usap kina Alvin at Mark. "Pre! Natry mo na iyon?" tanong ni Ethan na narinig ko.

"Oo naman," may kumpiyansang sagot ni Mark.

"Ikaw, Lin? Natry mo na iyon?" pagtatanong sa akin ni Alvin ng makalapit ako sa kanila.

"Alin?" pagtaka ko.

"Pumunta sa bar," sagot ni Mark kaya napatigil ako saglit.

"Gago! Hindi pa, no?" sagot ko.

Mga gagong ito! Bar pala ang pinag-uusapan.

"Tungek! Try mo, lalo na diyan sa may iskinita pagtawid sa highway." Turo ni Mark. "May underground diyan tapos nandoon iyong bar," dagdag niya.

"Ang dami mo talagang alam pre," natawang komento ni Ethan.

"Iyong nilalapagan ng pera iyong mga mananayaw? Pre! Solid nga doon," komento naman ni Alvin.

Isa pa ito!

"Oh di ba? Lalapagan mo ng pera tapos maghuhubad," kwento ni Mark.

"Oo," pagsang-ayon ni Alvin.

"Natry mo ng maglapag ng pera?" tanong ni Ethan.

"Hindi syempre. Hanggang panood lang ako doon," sagot niya at napatawa.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng dumaan si Sir Alcosta kaya napatigil kami para batiin siya.

"Good afternoon, Sir!" bati namin.

"Good afternoon," bati niya pabalik at napatingin sa amin.

Ipapagpapatuloy na sana namin ang pag-uusap ng mapako ang tingin ni Sir Alcosta kay Mark. "Bakit hindi mo pinapagupitan yang buhok mo? Gusto mong akong gumupit diyan?!" panenermon niya kay Mark habang itinuturo ang buhok niya.

Nanahimik naman kami dahil sa tensyon sa boses niya. Nginitian naman siya ni Mark at parang nakikipagbiruan pa.

"Aba't—Hindi ka ba tinuturuan ng magandang asal ng magulang mo? Akin na iyan at magupitan!" panenermon pa rin ni Sir Alcosta naglabas siya ng gunting at bigla naming narinig ang sigaw ni Mark.

"Bakit mo gugupitin iyan?! Tanga ka ba?!" nanggagalaiting sambit ni Mark. "Nanay ko nga hindi pinapagupitan iyan tapos ikaw gugupitin mo!" dagdag niya.

Sinubukan naman namin siyang pigilan at ilayo kay Sir Alcosta.

"Anong problema?" pagtatanong ni Howard na bagong dating.

"Mr. Alveza, bring your classmate with me. Napakabastos!" utos ni Sir Alcosta.

"Ikaw itong bastos, eh!" komento ni Mark na nanggagalaiti pa rin sa galit.

"Naliliitan ka ba sa akin?!" panghahamon ni Sir Alcosta.

"Hindi. Tara suntukan tayo. Teacher ka ba? Tang*nang ito!" panghahamon ni Mark.

Gusto kong tumawa pero mas pinili kong pigilan si Mark sa pag-aamok niya. Umalis naman si Sir Alcosta at niyakag naman ni Howard si Mark.

"I'll handle this, Lincoln. Ikaw munang bahala sa iba," bilin ni Howard kaya tumango ako.

Wait... anong 'iba'?

Sinamahan naman niya sina Mark, Ethan at Alvin. Naiwanan akong mag-isa rito kaya pumasok muna ako sa loob ng classroom para pahupain ang mga maiingay na tsismosa.

"Anong nangyari doon?" bungad na tanong sa akin ni Jean.

"Wala." Napatawa na lang ako. "Bahala na si Howard doon," sagot ko kaya nagpatuloy na lang sila sa pagpapraktis.

Umupo naman ako malapit sa pwesto ni Gaille para makita ko kung gaano talaga siya kagaling sumayaw.

Nang magsimula silang sumayaw ay sumakit ang tiyan ko kakatawa kay Gaille dahil para siyang tingting na hinahangin kapag nasayaw. Sumakit din ang ulo dahil–

Teka! Masakit talaga ang ulo ko.

Napahawak ako dito at sinubukang hamapasin para mawala iyong sakit pero walang epekto. Nahihilo na rin ako at pinagpapawisan ng matindi. Habol ko na rin ang hininga ko.

Bwisit! Anong nangyayari sa akin?

"Hoy! Anong problema mo?" Narinig kong tanong ni Gaille na hindi ko namalayang nasa tabi ko na.

Napatawa na lang ako at inayos ang sarili ko. Unti-unti rin namang humupa ang sakit ng ulo ko.

"Nanghihina ako kakatawa sa iyo. Para ka kasing kawayan kung sumayaw," natatawa kong sambit.

Pinaningkitan naman niya ako ng mata. Lalo akong natawa sa itsura niya. Nang bigla na namang sumulpot si June sa harap namin at ipinakita na naman ang mga kuha niyang litrato kay Gaille.

"Hoy, Martinez! Burahin mo iyan!" sambit ni Gaille at pilit na kinuha ang cellphone sa kanya.

Aasarin ko sana sila pero ayaw sumunod ng bibig ko. May kung ano akong nararamdaman.

Nagseselos ba ako? Teka lang, hindi pwede. Wala namang kami. Bwisit! Ano ito? Ayoko nang ganito pakiramdam. Ang bigat!

Nang tumabi ulit sa akin si Gaille ay hindi ko siya pinansin.

"Bakit ang tahimik mo na?" tanong niya pero hindi ko siya tinitignan.

Niyugyog at tinapik pa niya ako pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Kinuha ko na lang ang bag ko at umalis na lang ng classroom. Mas ginusto kong umuwi kaysa makitang ganun ang nangyari.

Nakakainis iyong pakiramdam.

*****

Gaille P.O.V.

Hindi ko pa rin malimutan iyong kinikilos kanina ni Azalea. Para siyang nabadtrip kung kanino man.

Sa gitna ng pag-iisip ay biglang nagpakita ang isang mensahe galing kay Ray. Binuksan ko naman ito at nabasang may sasabihin siya pero huwag akong mabibigla. Nakaramdam naman ako ng kaba sa chinat niya kaya napatanong ako kung ano iyon.

Ray: Reese, crush kita. Simula pa nung first week. Nahihiya lang akong umamin sa personal

Napatigil ako at hindi ako makaisip ng isasagot.

Gaille: Ahh... baka nasanay ka lang kasi lagi tayong magkachat

Sana hindi niya i-take as negative iyon.

Ray: Siguro nga hahaha

Buti naman, akala ko madidismaya siya.

Bigla namang lumabas ang isa pang mensahe galing naman kay Azalea kaya tinignan ko ito. Nagulat naman ako sa mga pinagsasabi niya na tanggalin ko iyong nararamdaman niya.

Gaille: Anong pinagsasabi mo dyan, Azalea? HAHAHAHA

Naguguluhan lalo ako sa inaasta niya.

Problema nito?

Dealing with DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon