CHAPTER X

8 1 0
                                    

Lincoln P.O.V.

Boring.

Wala talagang kwentang ma-admit sa ospital. Puro na lang dito sa loob ang napapasyalan ko. Saulo ko na ata iyong floorplan nila.

"Sir Lincoln, bumalik na po tayo sa kwarto niyo," sambit ni Ate Maria.

Makulit din minsan itong nurse na ito kaya lagi ko siyang tinatakasan.

Hmmm... Nice idea.

"Mamaya na Ate Maria," sagot ko habang nakaupo sa bench ng park dito sa loob ng ospital. "Una ka na," sambit ko at sinenyasan siyang umalis na.

"Hindi na, alam kong tatakas ka na naman," sambit niya at tinignan ako.

Binantayan niya ako ng masinsinan at parang may binabalak akong tumakas.

Akala mo namang tatakas ako, syempre naman... oo, tama ka diyan. Hays! Paano kaya ito?

Habang nag-iisip ako ng paraan kung paano tumakas ay biglang may nagkagulong mga nurse kaya napalingon si Ate Maria sa kanila.

Nang makabalik ng tingin sa akin si Ate Maria ay mababakasan siya ng pagkabalisa.

"Dyan ka lang, ha?" utos niya.

Swerte!

Tinaas ko ang dalawang kamay ko bago marahang tumango. Nang tuluyan na siyang makalayo ay agad naman akong nagtungo sa pader malapit sa parking lot.

"Easy wall," sambit ko sa hangin at sinimulang akyatin ang pader.

Nang makalabas ako ay marahan akong naglakad papuntang gate para hindi mapansin ng guard sa main door.

Ang higpit naman kasi ng security nila.

Nang tuluyan na akong makalabas ay naglakad na ako patungong school dahil malamang nandoon pa si Gaille. Sa bawat madadaanan kong tao ay may nagtatakang tingin akong nakukuha pero hindi ko na lang pinansin.

Ilang minutong paglalakad bago ko marating ang school namin. As usual, umakyat ako sa pader ng mga late at hindi na makakapasok dahil sarado na ang gate. Una kong tinungo ang court dahil nasa tabi niyon ang building namin.

Nagtago ako sa may likod ng isang pader para hindi ako makita ng mga teachers o ibang school staffs. Namalagi ako ng ilang minuto hanggang sa matanaw ko si Gaille na mukhang may pupuntahan kasama si Jean.

Naglalakad sila sa may garden ng mapansin ko ang isang hanging pot na mukhang babagsak. Napasabunot ako ng mapagtantong malapit ng dumaan doon sina Gaille.

Nang tignan ko naman ang kamay ko ay nagulat ako ngunit mas namayani ang kung anong rush na nagpagalaw sa mga paa ko kaya tinakbo ang lugar nila.

Bahala ng makita. Takte! Nakapang-ospital pa pala ako.

Nang makalapit na ako ay yinakap ko si Gaille bago ipihit palayo sa babagsak na paso. Buti na lang at on-time ako at nailayo ko siya sa kapahamakan.

Ilang segundong katahimikan ang namuo at nakita ko sa mga mata niya ang gulat kaya napabitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Lin?" tawag pansin ni Jean kaya napalingon ako sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?" pagtatanong niya pero nginitian ko lang siya.

Binalingan ko ulit ng tingin si Gaille, "Ayos ka lang?" pag-aalala ko kaya napatingin kami sa bumagsak na paso.

Nagkatitigan naman kami.

"Di ba dapat nasa ospital ka?" sambit niya kaya napakamot ako ng ulo.

"Boring doon, eh," sagot ko at hinigit siya papuntang classroom.

Dealing with DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon