CHAPTER VI

9 1 0
                                    

Gaille P.O.V.

Nagba-browse ako sa social media nang biglang may nagpop-up na message galing kay Azalea. Ilang araw na siyang hindi napasok at wala kaming balita sa kung buhay pa ba siya.

Wala namang nagtangkang puntahan siya sa bahay nila dahil walang nagka-oras dumaan.

Wala rin namang sigurong problema kung siya ang pag-uusapan.

Lincoln: Kumusta, Wifey?!

Isang ngiti naman ang nabuo sa mga labi ko dahil hindi pa rin siya nagbabago.

Gaille: Tigilan mo ako, Azalea! Bakit hindi ka na napasok?

Lincoln: Eto na nga eh! Susuko na hahaha

Lincoln: Alam mo yung pinakamalapit na ospital sa bahay niyo?

Gaille: Oo. Yung Brand Private Hospital, bakit naman?

Naguguluhan na naman ako sa mga sinasabi niya.

Lincoln: Buti naman alam mo. Puntahan mo ako bukas, room 24 hahaha

Lincoln: At saka nga pala sikreto lang natin ito, huwag mo nang ipaalam sa iba nating kaklase lalo na kay June at Ray baka magdiwang sila na napatalsik nila ako sa trono ko.

Gaille: Baliw ka, Azalea. Ano namang ginagawa mo sa ospital? Nagkasakit ka ba?

Gaille: Anong sakit mo? Bakit hindi ka agad nagsabi? Kailan ka pa diyan?

Sunod-sunod ang tanong ko dahil nakakagulat naman kasing magpaparamdam siya tapos nasa ospital pala siya.

Lincoln: Teka lang. Isa isa ang tanong mahina ang kalaban hahaha

Lincoln: Nag-aalala ka pala sa akin, sandali lang hahanap lang ako ng kakapitan baka lalo akong mahulog sa'yo hahaha

May gana pa siyang magbiro ngayon.

Gaille: Buset ka talaga, naospital ka na nga ang dami mo pang kalokohan

Lincoln: Hahaha sorry na, Wifey. Bukas ko na ipapaliwanag sa'yo lahat

Gaille: Baka lalo kang magkasakit, matulog ka na

Lincoln: Opo, Wifey hahaha

Buti na lang alam ko na ngayon kung anong nangyari sa kanya kahit hindi pa lahat basta alam kong buhay pa siya.

Gaille: Huwag mo nga akong tawaging Wifey! Nakakainis ka

Naiinis na rin kasi ako sa kalokohan niya.

Lincoln: Sige, goodnight, Gaille Reese Charice Barboza Alfonso Azalea

Gaille: Goodnight rin. Buset anong Azalea? HAHAHAHA

Lincoln: Love you

Nagulat naman ako sa chinat niya.

Gaille: Ewan sa'yo. Bwisit ka, Azalea! Tatamaan ka sa akin bukas

Lincoln: Dati pa ako may tama sa'yo, Wifey hahaha

Iyong 'goodnight' namin ay umabot na ng ala una ng madaling araw. Hindi ko na rin namalayan yung oras dahil sa mga kalokohan niya.

Nang matapos ang klase ay agad kong tinungo ang pinto para bisitahin si Azalea sa ospital.

"Bakit parang nagmamadali ka, Gaille?" Biglang sumulpot sa harapan ko si Mikaela kaya napaigtad ako.

"Wa-Wala," sagot ko at saka niya ako tinignan ng mataman.

"Hmmm... parang may itinatago ka, huh?" pang-iintriga niya.

"Wala, no?!" depensa ko.

"Sige, ingat sa pag-uwi," may pagaalalang sambit niya kaya nginitian ko siya bago nagpatuloy papuntang ospital

Dealing with DestinyWhere stories live. Discover now