CHAPTER IX

7 1 0
                                    

Gaille P.O.V.

Isang normal na araw para sa isang normal na taong katulad ko. Papasok na sana ako ng klase ng maalala kong may assignment nga pala kami sa accounting.

Hays! Accounting na naman.

Alam mo iyong feeling na pangarap mong maging accountant pero nababaliw ka sa subject na accounting. Feel me.

Umupo ako sa upuan ko bago harapin ang katotohanang kailangan kong mag-aral para sa future.

"Gaille!" tawag sa akin ng katabi kong si Jean kaya napabaling ako sa kanya, "May assignment ka na sa accounting?" tanong niyang nagpagising sa natutulog kong diwa.

Okay, Gaille! Buhay ka pa. Hindi ka pa nauubusan ng hangin.

"Huwag mo munang ipaalala," naiiyak kong sagot.

Nagsimula naman ang klase ng matiwasay at buti na lang ay may break time bago ipagpatuloy ang mga susunod na subject kasi kung hindi, mag-o-over heat na ang utak ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain at pagsisimula ng pagsagot sa assignment namin sa accounting ng makarinig ako ng sigawan sa hallway. Kapag talaga grade 12 na hindi na mapigilang gumawa ng mga kalokohan aalis na school

"Gaille, nakikipag-away si Alvin," pagbibigay alam ni June kaya napatingin ako sa bintana bago makipagtsismisan sa mga tao sa labas.

"Ano ba kasing pinaglalaban mo?!" sigaw ni Ray kay Alvin.

Teka! Ray? As in Ray Vince Sanvasa.

"Ikaw! Puro ka patama! Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo ng harapan!" sagot ni Alvin.

"Puro patama?" nang-aasar na sambit ni Ray, "Tara! Doon tayo sa gym para walang makakita! Ano?!" panghahamon pa niya.

"Tara!" sagot ni Alvin na nagpupumiglas sa pangaawat nina Adellano.

Lumapit naman ako kay Alvin bago maki-awat. Minsan kasi mainit ang ulo nito at basta-basta kung magsalita.

"Tama na yan, Alvin," sambit ko at napatingin kay Ray na saktong nakatingin rin sa akin.

Bwiset! Hindi ako na sanay ng ganito.

Nag-iwas na ako ng tingin habang hinihigit si Alvin papasok ng classroom.

"Anong ginagawa mo, Gaille? Pinagtatanggol mo itong mokong na ito," sambit ni Ray habang dinuduro si Alvin.

"Tang*na, bitawan niyo ako! Sasapakin ko iyang gagong iyan!" naiinis na sambit ni Alvin

Mas lalong inawat ni Adellano at Bellarde ang pagwawala niya. Nilapitan ko naman si Ray bago pagsalitaan.

"Tama na, Ray!" pagalit ko sa kanya.

"Bakit sa akin ka pa nagagalit? Ako ba ang nagsimula nito? Ayan!" sambit niya at itinuro si Alvin. "Ayan ang nagpasimula! Lintek na iyan!" naiinis niyang sambit.

Kita kong kaunti na lang at sasabog na siya kaya itinulak ko siya palayo kay Alvin.

"Tama na. Bumalik ka na sa classroom niyo," sambit ko habang itinutulak siya pabalik sa classroom niya.

"Ano ba?!" reklamo niya at tinatapik ang kamay ko. "Tabi!" utos niya at hinahawi ako pero hindi ako nagpatinag. "Sinabi ng tabi!" sigaw niya at nilakasan ang pagtulak sa akin kaya napatabi ako.

Aray, ha!

"Siraulo ka bang tarantadong hinayupak na gago kang hayop kang nakakain ka ba ng panis sa almusal at nagpapakatang*na ka ngayong inutil kang siraulo ka!" pagmumura ng kung sino man kaya napalingon ako.

Nakita kong nasa loob na sina Alvin at halos lahat ng kaklase ko ay nakadungaw sa bintana. Nakatingin sila sa iisang lugar kaya napatingin din ako doon. Nagulat ako at nakitang nakatayo si Azalea sa harap ni Ray.

Dealing with DestinyWhere stories live. Discover now