CHAPTER II

11 1 0
                                    

Lincoln P.O.V.

Tahimik akong nagbabasa ng librong ako mismo ang gumawa nang bigla akong bulabugin ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

Si Gaille lang pala.

Nahiya naman ako sa panlalait niya. Siya nga itong isang bulate na lang ang hindi napirma. Siguro kung patpat ako, siya tingting lang.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagbabasa dahil wala naman ako sa mood para magsalita.

Nang matapos ang unang araw ng klase, wala man lang pumasok sa utak ko kahit isang salita. Balak ko na sanang umuwi ng marinig ko ang paguusap ni Gaille at Ray.

Halos magkakakilala na kami dahil nasa iisang building lang naman ang strand namin at nasa pitong section lang kami last Grade 11.

Isang kalokohan ang pumasok sa isip ko kaya napatingin ako kay Gaille na tumingin rin naman sa akin.

"Now I know!" bigkas ko habang nakasuot ang nakakalokong ngisi.

Naguluhan yata siya base sa tingin niya kaya napataas ang hintuturo ko.

"Di ba last year ganoon din ang pangalan," dagdag ko at mukhang pinagkokonekta niya pa ang mga sinabi ko.

Lumipas ang ilang segundo ng pag-iisip ng nanlaki ang mga mata niya tanda na naintindihan na niya ang sinabi ko, "Siraulo ka, Azalea! Hindi ganoon iyon!" may pagkairita niyang sambit at nag-walk out.

Naiwan naman kaming dalawa ni Ray kaya sinulyapan ko siya at nginitian. Kahit hindi niya sabihin ramdam naman na may pagka-crush siya kay Gaille. Tumayo na rin ako at lumabas ng room.

Dahil sa marami akong trip sa buhay ko kaya napagtripan ko ulit si Gaille na kausap naman ngayon si June.

"Strike 2!" sigaw ko kaya napatingin siya sa akin.

Binigyan ko siya ng nakakalokong tingin na mukhang naintindihan niya dahil sa naging itsura niya.

Umalis naman si June kaya ako na itong lumapit sa kanya. Nang tuluyan akong makalapit ay pinaulanan niya ako ng mga salita kaya napadepensa ako.

"Alam mo, Azalea! Napaka issue mo! Dami mong learn!" sambit niya ng may halong inis. "Hindi kasi ganun yon! Ikaw—" Napapikit siya sa inis. "Ewan ko sayo!"

Halos ibubuga ko ang lahat ng hininga ko kakatawa.

"Hindi ka pa ba nasanay? Pero—" sambit ko habang natawa. "... mga lalaki kami kaya alam ko kung may feelings na sila sa isang babae. Napagdaanan ko na rin yan kaya alam ko na," paliwanag ko.

Halata namang hindi siya naniniwala sa sinabi ko kaya hindi ko na lang siya pinilit paniwalaan ang sinabi ko at dahil mayroon akong ugaling pakialamero ay kinuha ko ang cellphone niyang nasa arm wrest at ayun ang pinagtripan ko.

"Kanina ang tahimik mo, ngayon naman ang ligalig mo. Baliw ka ba?" sambit niya na hindi ko pinansin dahil busy ako sa pagbabasa ng convo nila ni Ray Vince Sanvasa, iyong lalaking nagustuhan niya last school year at ka-MU.

Nabalitaan ko lang.

Lumapit siya sa akin at halos magpalit na kami ng mukha. Gusto rin yata niyang mag-backread ng convo nila.

"Ay! Napaka-pakialamero mo!" Pagalit niya sa akin at hinablot ang cellphone niya.

Padabog niyang inilagay ito sa bag niya at sinamaan ako ng tingin kaya medyo kinabahan ako.

"Know your limits kasi!" sambit niya at umalis sa harap ko bitbit ang mga gamit niya.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pero isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi.

Ang cute niya kapag naiinis.

"Lincoln!" rinig kong tawag sa akin kaya napalingon ako, "Bakit, Mr. Classroom President slash Math Club President slash SSG President?" sarkastiko kong sambit kay Howard na siya pa lang tumatawag sa akin.

"Ang dami pang sinabi. Come here or I'll drag you here!" naiinis niya sagot kaya minabuti ko na lang na lumapit sa kanya. "May meeting ang classroom officers," sambit niya ng makalapit ako at inaya akong pumasok sa loob ng room.

Officer nga pala ako! Psh! Unang araw palang ang dami ng happening.

Nang makapasok ako ay nakita kong nakaupo rin si Gaille malapit sa unahan kaya sa kanya ako tumabi.

Napansin niya siguro ang presensya ko kaya umisod siya at siniringan ako. Humarap naman ako sa kanya at pinanood siyang makinig sa mga pinagsasabi ni Howard sa unahan.

"Badtrip ka pa rin?" natatawa kong tanong kaya napatingin siya sa akin.

"Don't talk to me!" pagtataray niya at bumaling ulit sa unahan.

Kumuha naman ako ng ballpen at papel para isulat ang sasabihin ko sa kanya.

Don't talk to me pala, ha!

Kinulbit ko siya at nag-sign language kahit hindi ko alam ang pinaggagawa ko tapos nag-charades ako at in-acting ang gusto kong sabihin. Kumunot naman ang noo niya kaya ipinabasa ko sa kanya ang isinulat ko.

"Sabi mo kasi 'don't talk to me', eh."

"Ewan sa iyo!" nainis niyang sagot at nilukot ang papel na hawak ko.

"Sige, Mr. Azalea! Do you have any suggestions, sa ilalagay na quotation or saying sa sides ng room? Bukod sa Honesty is the best policy," tanong ni Howard sa akin kaya kumpiyansa akong tumayo.

Quotation lang? Jusmiyo marimar! Pinatatagal ang ganitong usapin. Para kayong mga bata.

"Okay, sinuggest kasi ni Gaille na gamitin daw natin yung Golden Rule," suhestiyon ko at napansin ko ang titig ni Gaille.

Behave ka lang diyan.

"Golden Rule?" nagtatakang tanong ng isang officer.

"Golden Rule! Ayon iyong, 'Don't do unto others what you gonna do with the big bad wolf— basta iyong golden rule iyon. Hindi ka ba nag-aral ng EsP noong junior high?" mabilis kong pagsasalita kaya nagtawanan ang mga tao dito.

"Okay! Tama na iyan! Ano pa? Included na iyong suggestions kaya kumalma ka na diyan." Pinaupo ako ni Howard habang naghihintay ng sagot.

Ako lang ba officer dito?

"Iyong 'Life is not about finding yourself but it is about creating yourself' na quote," sagot ko ulit.

"Saan mo naman nakita iyan?" tanong niya.

Puro tanong ito, eh!

"Sa internet. Search mo," sarkastiko kong sambit, "Tapos iyong huli 'Love your enemies'," dagdag ko at tumahimik na dahil ang haba na ng exposure ko.

"Love your enemies, eh?" natatawang bigkas ni June na nasa kabilang linya at katabi si Alvin na kaibigan ko.

Pakikutusan nga, Alvin.

"Tumahimik ka diyan! May gusto ka lang kay Gaille." Bigla kong nasabi kaya halos lahat sila napatingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang naniningkit na mata ni Gaille na nakatingin sa akin. Napalunok ako at sinubukang magsalita pero parang pinipigilan ako ng dila ko.

Naku! Lagot.

"Anong pinagsasabi mo, Lincoln?" tanong ni Alvin na katabi si June.

"Wala!" Tumingin ako kay Howard at sinenyasan ko siyang magpatuloy na lang sa pagmi-meeting.

"Okay! Guys, let's continue!" Pinahupa ni Howard ang tensyon sa pagitan namin.

Napabuntong hininga naman ako ng magpatuloy na ang meeting. Ramdam ko pa rin ang nagwawalang awra ni Gaille dahil mainit sa kaliwa ko habang mahangin sa kanan.

"Hindi na ako natutuwa, ha?" sambit niya kaya napakislot ako.

It sends shivers down my spine.

Patay ka diyan, Lincoln.

Dealing with DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon