CHAPTER VII

8 1 0
                                    

Gaille P.O.V.

Chinat ko ang mga kagrupo ko dahil gagawa kami ngayon ng research at balak na naming tapusin.

Gaille: Guys! Punta na kayo dito

"Aga mo naman" komento ng bagong dating na si Bellarde.

"Anong maaga?! Late na nga kayo ng 10 minutes eh!" sagot ko sa kanya at halatang naiinis na ako.

Hindi ako naiinis. Naaasar lang! Lintek na iyan! Patay sa akin ang mga iyon.

Nang magsidatingan sila ay saktong alas onse na ng umaga at isang oras na ang nakalipas sa napag-usapang oras namin.

"Bili muna tayong pagkain para sa tanghalian," sambit ni Adellano na siyang pinakahuling dumating.

"Sige, basta pera mo," sagot ni Jean.

"Pft. Pera lang eh. Oh!" sambit ni Adellano at naglabas ng pera, "Bumili ka, Ethan!" utos niya kay Bellarde.

"Bakit ako?" pagtanggi niya.

"Anong gusto mo? Gumawa dito o bumili?" pananakot ni Jean.

"Bibili na nga, eh!" sarkastikong sambit nito at kinuha ang pera bago lumabas.

Ilang sandali ang lumipas at bumalik siyang may dalang pagkain, "Hoy! Nakita ko si Lin sa labas," sambit niya kaya nagulat ako.

"Eh! Bakit hindi mo tinawag?" pagrereklamo ni Adellano.

"Biglang nawala, eh!" sagot niya.

"Hala ka! Baka doppelganger nakita mo," pananakot ni Adellano kaya nakatanggap siya ng isang kutos mula kay Jean.

"Siraulo ka!" pagalit niya.

"Bakit? Joke lang naman, eh!" sarkastikong sagot nito.

Napatingin naman ako sa cellphone ko kaya kinuha ko ito. Nagpaalam akong lalabas para maghanap ng signal.

Siraulo itong si Bellarde! Pinapakaba ako.

Sinusubukan kong i-chat si Azalea pero hindi siya nagrereply kahit online siya.

Parang timang ito eh! Natataranta na ako.

Lincoln Azalea calling...

Agad kong sinagot ang tawag niya.

"Hoy! Asan ka? Bakit hindi ka pumunta? Nasa ospital ka pa ba? Ano ng ginagawa mo? Bakit hindi mo sinabi? Ano? Parang tungaw ito eh. Bakit hindi ka nasagot? Hoy!" parang akong tanga na nagsasalita pero hindi naman siya nasagot.

Bigla naman niyang binababa ang tawag kaya napangiwi ako.

Anak ng—patay sa akin ito kapag nakita ko.

Babalik na sana ako ng may makabanggaan ako at dahil sa wala ako sa sarili ay hindi ko na lang siya pinansin.

"Sorry," paumanhin ko habang nakayuko.

"Shunga ka talaga, Wifey!" sambit niya kaya nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya, "Yow! What's up?" nakangiti niya bati.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga kamay ko at sinuntok siya ng mahina sa dibdib.

"Buset ka talaga, Azalea!" pagalit ko sa kanya.

"Bakit naman...?" Nagtataka siya habang nakahawak sa dibdib niya, "Ang sakit ng suntok mo, ah!" reklamo niya.

"Serve that," sagot ko. "Tinakot mo ako," dagdag ko at buti na lang hindi ako pumiyok.

"Why would I do that?" Puno ng sinseridad ang boses niya. "Why would I choose to scare you with all my might if I can let you feel the love with all I can?"

Dealing with DestinyWhere stories live. Discover now