CHAPTER VIII

9 1 0
                                    

Gaille P.O.V.

Akala ko nakalabas na ng ospital si Azalea, iyon pala nagpaalam lang na gagawa saglit ng research.

Siraulo talaga.

"Gaille!" tawag ni June na bigla na namang sumulpot sa harapan ko at pinakita ang picture kong kinuhaan niya.

"Burahin mo iyan!" utos ko sa kanya at saka siya pinaningkitan ng mata.

Napatawa naman siya at umalis sa harapan ko.

Okay madali lang naman akong kausap, eh!

"Bakit kaya absent ulit si Lin?" tanong ni Adellano na nasa tabi ko. "Di ba pumunta siya noong gumagawa tayo ng research," sambit niya kay Bellarde.

"Malay mo nagkatrangkaso gawa noong pagod" sagot niya. "Nagdadive naman kasi sa halamanan," natatawang komento niya.

Napatawa rin naman ako dahil sa sinabi niya. Naalala ko na naman yung mga pinaggagawa niya nung nagbasketball sila.

Pero hindi siya tinrangkaso, nasa ospital siya.

"Tignan mo iyong dalawa," sambit ni Adellano kay Bellarde kaya lumingon ako sa tinitignan nila.

"Bakit ganoon iyong dalawa?"

"Ewan ko ba diyan," sagot ni Adellano. "Last year. Noong magkaklase kami, magkaibigan iyong dalawang iyan," paliwanag niya.

Tinignan ko naman sina June at Sinco na malayo sa isa't isa. Parang noong simula ng klase, sila itong laging magkasama.

"Baka naman kasi..." Naputol ang sasabihin ni Bellarde kaya napatingin ako sa kanya.

Nagulat ako nang tumingin silang dalawa sa akin.

"Bakit?" pagtatanong ko sa kanilang dalawa.

"Gago ka," natatawang komento ni Adellano.

"Bakit? Malay mo lang naman," sagot ni Bellarde. "Di ba parehas may gusto sa iyo yung dalawang iyon?" pagtatanong niya sa akin.

"Pinagsasabi mo?" sagot ko sa kanya at napatawa ng pilit.

"Asus! Ide-deny mo pa," pagpupumilit ni Bellarde.

"Kaya nag-aaway iyong dalawa dahil sayo, Gaille," sambit naman ni Adellano.

"Ang issue niyong dalawa! Mana kayo sa pinagmanahan niyo," naiinis kong komento sa kanilang dalawa.

"Totoo nga iyon," sagot ni Adellano, "Nag-aaway nga iyong dalawa dahil sa iyo."

"Ewan ko sa inyo," sambit ko at hindi na lang sila pinansin.

Hinawakan naman ni Bellarde ang buhok ko. Ang hilig talaga nitong hawakan ang buhok ko.

"Ang haba ng hair mo," sambit niya kaya nagulat ako.

Minsan talaga naiisip ko na bakla ito, eh.

"Alam mo iyong dalawang iyon, mas pinipili nilang mag-away kaysa sa pagkakaibigan nila," paliwanag ni Adellano.

"Magkakabati rin iyan," sambit ko.

"Eh? Ewan ko lang. Pumili ka na kasi," pang-aasar niya at saka napatawa.

Nang matapos ang klase ay nakatanggap ako ng chat kay Azalea na puntahan siya sa ospital. Hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam na naospital siya.

"Saan ka pupunta?!" panggugulat ni Mikaela na sumulpot bigla sa tabi ko.

"Anong-Bakit ka nandito?" pagtataka ko dahil papunta ako ngayon sa ospital.

"Sinusundan ka," diretsong sagot niya, "Alam kong may itinatago ka kaya sinundan kita. Pati alam kong alam mo kung nasaan si Lin," dagdag niya.

Dealing with DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon